Maja Salvador, handa na bang magpakasal kay Rambo Nuñez?

by PEP Troika
Feb 10, 2020
Kapamilya actress Maja Salvador, hindi raw "atat" na maikasal sa non-showbiz boyfriend na si Rambo Nuñez.
PHOTO/S: Gorgy Rula

GORGY RULA

Isa si Maja Salvador sa 69 honorees sa Film Ambassador’s Night na inorganisa ng Film Development Council of the Philippines (FDCP).

Ginanap ito nitong Pebrero 9, Linggo, sa Maybank Performing Arts Theater sa BGC, Taguig City.

Si Maja, na bida sa Kapamilya teleseryeng Wildflower, ang tinanghal na Best Actress sa Asia Contents Awards na ginanap sa Busan, South Korea, noong 2019.

"Nakakatuwa po na naihanay ako sa mga de kalibre at magagaling na artista," lahad ni Maja.

"Kaya thank you sa FDCP dito sa recognition na ito dahil isang malaking karangalan po talaga ito."

Kasama ng Kapamilya actress ang boyfriend niyang si Rambo Nuñez, na ayaw pa raw sanang sumama dahil nahihiya itong lumabas sa showbiz functions.

Pero pinilit siya ni Maja dahil araw nila ang Sunday, kaya wala itong magawa kundi samahan siya.

"Kasi, may usapan kami na every weekend, araw namin yun."

Kaya naglalambing daw na sabi ni Maja kay Rambo, "Sunday kaya ngayon, dapat samahan mo ako."

Continue reading below ↓

Hindi raw sila nape-pressure sa ibang stars na engaged o kaya ay kasal na.

Basta kung sakaling may plano na silang lumagay sa tahimik, hindi raw nila ito itatago.

"Basta, magiging updated kayo. Huwag muna ngayon.

"Siyempre, hindi naman kami bagets, may napapag-usapan na. Pero hindi kami atat," pakli ni Maja.

Sa parte ni Rambo, kahit marami raw siyang showbiz friends ay hindi pa rin siya sanay sa mga intrigahan.

Mabuti na lang daw, hindi sila gaanong naba-bash ng fans dahil karamihan ay boto sa kanilang relasyon.

"Siguro, focus lang sa positive side.

"And, I guess, we’re just being ourselves and enjoying the moment, that’s why they appreciate it,” ani Rambo.

NOEL FERRER

We love Maja, and we love Rambo, and we love Tita Marilen, na nanay ni Rambo.

They deal with people in showbiz, pero alam nilang may mundo beyond it. And that is what Rambo brings to Maja’s existence.

Continue reading below ↓

Kung tama ang match, you are at your best, at bumabait ka, at naaayos lahat!

Ganyan ang epekto nila sa isa’t isa, kaya maligaya tayo para sa kanila.

JERRY OLEA

Nasa tamang estado na sina Maja at Rambo para magpakasal at bumuo ng pamilya.

May napatunayan na si Maja bilang artista. Nakapagpundar na si Rambo ng negosyo.

Hayaan natin ang magsing-irog na i-enjoy ang kanilang relasyon.

Huwag natin silang i-pressure na mag-level up.

Basta, inaasam natin na sa Araw ng mga Puso ay sakdal init ang kanilang pag-ibig!

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapamilya actress Maja Salvador, hindi raw "atat" na maikasal sa non-showbiz boyfriend na si Rambo Nuñez.
PHOTO/S: Gorgy Rula
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results