Magpakailanman episode nina Maine at Ruru, kinabog sa ratings ng MMK episode ni Louise Abuel

by PEP Troika
Feb 11, 2020
PHOTO/S: GMA-7 / ABS-CBN

JERRY OLEA

Nagpasiklab agad ang The Voice Teens (Season 2) noong Pebrero 8, Sabado ng gabi.

Ayon sa National TV Ratings (Urban + Rural) ng Kantar Media, naka-28.9% ang The Voice Kids, kumpara sa 15.7% ng Daddy’s Gurl nina Vic Sotto at Maine Mendoza.

Ang kasunod na programa ng The Voice Kids ay Maalaala Mo Kaya.

Naka-25.1% ang "Kawayan" episode ng MMK na pinagbidahan ni Louise Abuel, kumpara sa 15% ng "Kasal sa Funeral" episode nina Maine Mendoza at Ruru Madrid sa Magpakailanman.

Hindi ba bet ng televiewers ang tambalan nina Maine at Ruru, lalo pa’t patuloy na nababalita ang sweet moments ni Maine with Arjo Atayde?

Mas kilala sina Maine at Ruru kesa kay Louise, pero mas mahusay at taos-puso kung umarte si Louise na kinabiliban ko sa pelikulang Edward.

Hopia na, asado pa naman ako na babawi si Ruru sa Magpakailanman matapos “masagasaan” ang pelikula nila ni Jasmine Curtis-Smith na Cara x Jagger. Tsk! Tsk! Tsk!

Continue reading below ↓

Expectorant din ako na makakaagapay si Maine sa good news kay Alden Richards, na kikilalaning Phenomenal Box-Office Star para sa pelikula nila ni Kathryn Bernardo na Hello, Love, Goodbye.

Nabulabog pa ang mga bekizen at bekikang sa pa-abs at pa-Felix Bacat ni Alden, huh?!

At any rate, naka-20.4% naman ang Home Sweetie Home Extra Sweet, konti lang ang lamang sa 19.7% ng Pepito Manaloto Ang Tunay Na Kuwento.

GORGY RULA

Ayon naman sa AGB NUTAM, naka-7.7% ang 24 Oras noong Sabado, 5.2% ang Kuha Mo, at 6.5% naman ang TV Patrol.

Mataas din ang Pepito Manaloto na may 11.3% versus Home Sweetie Home na may 8.6%.

Ang Daddy’s Gurl naman ay naka-9.1%, at 13.3% ang The Voice Teens.

Kaya maaaring di na naglipat ang mga manonood, natuloy na ito sa Maalaala Mo Kaya na naka-12.6%, at 10.2% ang Magpakailanman.

NOEL FERRER

Ahh, talaga? Anyare, Ruru at Maine? Paano na?

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: GMA-7 / ABS-CBN
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results