KMJS, kinabog ang The Voice Teens at GGV sa ratings

by PEP Troika
Feb 11, 2020
Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS), undefeated pa rin sa TV ratings kumpara sa katapat na rival shows na Gandang Gabi Vice (GGV) at The Voice Teens: Season 2.
PHOTO/S: KMJS Facebook / GGV and The Voice Teens Instagram

JERRY OLEA

Nanatili sa pagiging No. 1 sa Game of Ratings ang Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS) ng GMA-7 kahit may mga bago itong katunggali.

Ayon sa National TV Ratings (Urban + Rural) ng Kantar Media noong Pebrero 9, Linggo, naka-23.9% ang ikalawang gabi ng The Voice Teens: Season 2, at naka-11.9% ang pinaagang Gandang Gabi Vice (GGV) sa ABS-CBN.

Kapansin-pansing tumaas ang rating ng GGV, kumpara sa dating timeslot nito na ang katapat ay ang The Boobay and Tekla Show (TBATS).

Nakakuha naman ng 25.2% ang KMJS. Mas mababa ito kaysa dati, pero kampeon pa rin ito kumpara sa The Voice Teens.

(Ang mga sunod na mababanggit ay comparative ratings ng programa ng ABS-CBN laban sa GMA-7.)

Naka-24% ang The Haunted, kumpara sa 22.8% ng Daig Kayo ng Lola Ko na tinampukan nina Sanya Lopez, Jeric Gonzales, Gil Cuerva, at Kisses Delavin.

Naka-23.2% ang Rated K, kumpara sa 19.6% ng Amazing Earth.

Continue reading below ↓

Naka-11.7% ang ASAP Natin ‘To, kumpara sa 9.2% ng All-Out Sundays.

Naka-11.2% ang Banana Sundae, kumpara sa 8.5% ng Dear Uge.

Naka-6.8% ang Vince & Kath & James sa Kapamilya Super Blockbusters, kumpara sa 7.1% ng The Boobay and Tekla Show (TBATS).

GORGY RULA

Kahit sa AGB NUTAM ay mataas pa rin ang Kapuso Mo, Jessica Soho na naka-16.5%, kontra sa Gandang Gabi Vice na 5.9%.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Nagkaroon pa ng overlap dahil nang magsimula ang KMJS, nasa huling bahagi naman ang The Voice Teens na naka-11.8%.

Bago iyan ay umariba ang Rated K ng ABS-CBN na may 11.4%, laban sa Amazing Earth ng GMA-7 na 9.4%.

Nagkadikit naman ang Daig Kayo ng Lola Ko na naka-11.7%, at ang huling episode ng The Haunted ay naka-11.8%.

Pero mukhang hindi naman ang ratings ang concern ng karamihan sa ngayon.

Nakaabang ang lahat kung ano ang kahihinatnan ng isinampang quo warranto ng Office of the Solicitor General laban sa prangkisa ng ABS-CBN.

Continue reading below ↓

Napansin ko rin kagabi sa isang Instagram post ni Davao First District Representative Paolo "Pulong" Duterte ang kopya ng bill sa Kongreso para sa renewal ng franchise ng ABS-CBN.

Ang full title nito: "Resolution Urging the Committee on Legislative Franchises to Report out Without Further Delay for Plenary Action.

"A Consolidated Version of Eight (8) Pending Bills Proposing for the Renewal for Another Twenty-Five (25) Years of the Legislative Franchise of ABS-CBN Corporation."

January 6, 2020 ang petsa nang i-file ito sa Kongreso.

Nabanggit din doon ang principal authors, at isa sa co-authors ay si Lipa City, Batangas Representative Vilma Santos-Recto.

Hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa dinidinig ang panukalang batas na ito.

NOEL FERRER

Pukpukan pa rin talaga ang tapatan sa ratings kapag Linggo.

Let the ones with better content prevail.

Teka, Sunday ba ang magiging timeslot ng bagong weekend show ni Senator Bong Revilla na Agimat ng Agila, ha, Tito Gorgy?

Continue reading below ↓

Ano na ang papalitan nito kung sakali?

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS), undefeated pa rin sa TV ratings kumpara sa katapat na rival shows na Gandang Gabi Vice (GGV) at The Voice Teens: Season 2.
PHOTO/S: KMJS Facebook / GGV and The Voice Teens Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results