Nora Aunor, tuloy ang taping kahit sinusumpong ng asthma

by PEP Troika
Feb 12, 2020
Natutuwa ang Superstar na si Nora Aunor na maisasalin na sa TV ang isa sa classic films na nagawa niya, ang Bilangin Ang Bituin Sa Langit (1989).
PHOTO/S: Noel Orsal

GORGY RULA

Nilinaw ni Nora Aunor sa mediacon ng bagong afternoon drama series ng GMA-7 na Bilangin ang Bituin sa Langit, nitong Pebrero 11, Martes, na hindi nakakaapekto sa taping kapag sinusumpong siya ng hika.

“Kahit na masama ang pakiramdam ko, talagang nagti-taping ako. Hindi ako nali-late,” pakli ni Ate Guy.

Pinuri siya ni Direk Laurice Guillen na kahit masama ang pakiramdam niya, hindi ito ipinapakita ng Superstar sa mga eksenang gingagawa niya.

Hindi raw kina-cut ni Ate Guy ang sarili kahit nakikita niyang nahihirapan ito minsan sa eksenang ipinapagawa sa kanya.

Okey naman daw ngayon ang kalusugan ng Superstar.

Hindi lang daw talaga maalis ang asthma niya.

“Medyo okay na,” pakli niya nang kinumusta namin ang kanyang kalusugan.

Tinitiyak daw niyang hindi apektado ang taping niya sa Bilangin kapag nagkakasakit siya.

“Hindi naman. Pag sinumpong lang ako.

"Kasi, nagmana ako sa mama ko. May asthma, e," nakangiti niyang sagot sa amin.

Continue reading below ↓

Natutuwa si Nora na maisasalin na sa TV ang isa sa classic films na nagawa niya, ang Bilangin Ang Bituin Sa Langit (1989).

Hindi raw malaki ang ibinago nang ginawa na itong drama series.

Mapapanood na ang Bilangin ang Bituin sa Langit sa Pebrero 24, Lunes, pagkatapos ng Prima Donnas.

JERRY OLEA

Inaabangan din natin kung kailan ipalalabas ang pelikula niyang Isa Pang Bahaghari, na idinirek ni Joel Lamangan.

Noon pa naikuwento sa atin ni Direk Joel na mahusay pa ring umakting si Ate Guy, at mapangusap pa rin ang mga mata nito.

Alam ni Direk na sinusumpong ng hika ang Superstar, at naiintindihan niya ang kalagayan nito, kaya maayos ang kanilang working relationship.

Minsan lang daw ito nagsabing kailangan nang umuwi at hindi na mapapakinabangan sa set dahil ina-asthma ito.

Nakapag-adjust si Direk Joel at kinunan na lang muna ang mga eksena ng ibang mga artista.

NOEL FERRER

Memorable ang Regal movie na Bilangin Ang Bituin Sa Langit (1989) na idinirek ni Elwood Perez, kaya aabangan natin ang teleserye na may parehong pamagat.

Continue reading below ↓

Looking forward ako sa lahat ng mga gagawin pa ni Ate Guy pati ang mga pelikula niya.

Basta sana, lalo pa nitong maiangat ang estado ni Ate Guy bilang People’s National Artist.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Natutuwa ang Superstar na si Nora Aunor na maisasalin na sa TV ang isa sa classic films na nagawa niya, ang Bilangin Ang Bituin Sa Langit (1989).
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results