Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now

Showbiz newbie Sarah Edwards, pangarap makatambal si Alden Richards

by PEP Troika
Feb 13, 2020
New Regal baby Sarah Edwards on meeting Alden Richards at an event for a popular mobile game: "Napakaguwapo niya po in person at nagpa-picture po ako. Ang bait-bait niya po."
PHOTO/S: Gorgy Rula / Noel Orsal

GORGY RULA

Ipinakilala ang bagong Regal baby na si Sarah Edwards sa mediacon ng pelikulang Us Again nitong Pebrero 12, Miyerkules, sa 38 Valencia Events Place, Quezon City.

Maganda siya, malakas ang dating, at magaling magsalita dahil nasanay na siya sa hosting nang magtrabaho siya sa isang media group sa South Korea.

Three years ago pa siya kinukumbinsing mag-artista ni Roselle Monteverde, big boss ng Regal Entertainment Inc.

Pero nabigyan siya ng trabaho sa South Korea kung saan nag-i-interview siya ng sikat na K-Pop stars.

Two years siya roon, at pagbalik niya rito ay saka niya hinarap ang local showbiz.

First movie niya sa Regal itong Us Again na pinagbibidahan nina Jane Oineza at RK Bagatsing, sa direksiyon ni Joy Aquino.


Continue reading below ↓
Continue reading below ↓
Recommended Videos

Gustung-gusto siya ni Roselle at posibleng bigyan siya ng movie project na pagbibidahan niya.

Kung sakaling bigyan siya ng chance ni Mother Lily na magbida sa isang remake ng classic films ng Regal, keri kaya niyang isuot ang magic kamison ni Mother? Kaya ba niyang magpaka-daring?

Maingat niyang sagot: "I think we’ll get there someday.

"But for now, siguro po more practice… parang nakakabigla po yata kung biglang daring.

"I can imagine doing that later on.

"Masaya naman po ang experience for my first [project] here with Regal."

Si Alden Richards ang unang pumasok sa isip niya nang tinanong ko kung sino ang gusto niyang makatambal sa pelikula.

Pareho raw silang mahilig maglaro ng Mobile Legends kaya mag-e-enjoy silang pag-usapan yun kung sakali.

"Nagmu-Mobile Legends din po siya," tukoy ni Sarah sa pagkahilig ni Alden sa multiplayer online battle arena (MOBA) game.

"May common ground na kami pag nakausap ko na siya," pakli niya.

Continue reading below ↓

Nagkita sila minsan noong nag-host si Sarah sa isang MPL event ng Mobile Legends na dinaluhan ni Alden.

"One time, the most recent MPL, dumating po siya, and I was so starstruck po nang makita ko siya.

"Napakaguwapo niya po in person at nagpa-picture po ako. Ang bait-bait niya po.

"Na-imagine ko rin po na kung maka-work ko siya, it’s going to be a really easy to work with someone like him," saad ni Sarah

JERRY OLEA

Mabait at pogilicious si Alden, there’s no doubt about it.

Bet kaya ng fans ang SarDen?

Sa Marso 14, si Sarah G ay Sarah G pa rin, samantalang si Sarah L ay magiging Sarah G na.

Nawa’y makatulong si Sarah E sa box-office returns ng Us Again, lalo pa’t nakakatakot manood ng sine dahil sa Novel Coronavirus 2019.

NOEL FERRER

There’s always room for a talented and good-natured newcomer.

Sana, mapaghandaang maige ni Sarah E ang pagpasok niya sa Philippine showbiz.

Continue reading below ↓

Good luck!

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
New Regal baby Sarah Edwards on meeting Alden Richards at an event for a popular mobile game: "Napakaguwapo niya po in person at nagpa-picture po ako. Ang bait-bait niya po."
PHOTO/S: Gorgy Rula / Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results