Lana Condor at Noah Centineo, mas nakakakilig kina Loisa Andalio at Ronnie Alonte?

by PEP Troika
Feb 13, 2020
Noah Centineo and Lara Condor (left) return in To All The Boys: P.S. I Love You, while real-life couple Loisa Andalio and Ronnie Alonte (right) star in James & Pat & Dave.

JERRY OLEA

Agaw-eksena si Joshua Garcia bilang Vince sa pelikulang James & Pat & Dave, na sequel ng Vince & Kath & James (MMFF 2016).

Scene-stealer din sa movie si Bodjie Pascua bilang lolo ni Pat (Loisa Andalio). Lalong lumutang ang angas ni James (Ronnie Alonte), kumpara sa finesse ni Dave (Donny Pangilinan).

Naasiwa ako sa chikahan nina James, Pat, at Dave tungkol kina Diether Ocampo, Claudine Barretto, at Rico Yan sa pelikulang Dahil Mahal na Mahal Kita (1998).

May keber ba ang mga kaedad ni James, Pat, at Dave sa love triangle ng teleseryeng Mula Sa Puso (Marso 1997-Abril 1999)?

Ipinalabas ang James & Pat & Dave sa local cinemas nitong Pebrero 12, Miyerkules.

Nitong Miyerkules ng gabi (Philippine time) nagsimulang mag-streaming sa Netflix ang pelikulang To All The Boys: PS I Still Love You, na sequel ng To All The Boys I’ve Loved Before (2018).

Trending sa Twitter nitong Pebrero 12 ang To All The Boys 2, maging ang mga pangalan ng tatlong pangunahing karakter dito na sina Lara Jean, Peter Kavinsky, at John Ambrose, na ginampanan nina Lana Condor, Noah Centineo, at Jordan Fisher, respectively.

Continue reading below ↓

Sa To All The Boys I’ve Loved Before, may eksenang biglang hinalikan ni Lara Jean si Peter Kavinsky habang palapit sa kanila si Josh (Israel Broussard).

Sa trailer ng James & Pat & Dave, may eksenang hindi sinasadyang nahalikan ni Pat si James habang papalapit sa kanila si Dave.

Maraming eksenang kilig-kiligan sina James & Pat, pero mas nakakakilig ang tandem nina Lara Jean at Peter.

NOEL FERRER

Malungkot ang theater owners.

Mahina sa takilya ang local films, pati na itong Valentine offering na James & Pat & Dave.

Sana naman, mag-pick up ito bukas, February 14, na Araw Ng Mga Puso mismo.

Epekto pa rin ba ito ng COVID-19 o sadyang hindi kalakasan ang Loisa-Ronnie sa paying audience? ‘Kalungkot!

GORGY RULA

Hindi ko pa nakukuha ang exact figures, pero narinig ko ngang hindi gaanong maganda ang first day ng James & Pat & Dave—na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin kabisado ang title.

Continue reading below ↓

So far, hindi pa rin masasabing maganda ang box-office results ng Pinoy films na ipinalabas mula nung Enero 2020.

Ayon sa aming source, naka-P36M lang ang two weeks ng Block Z.

Ang first week ng On Vodka, Beers and Regrets ay naka-P37M naman daw.

Inaasahan nilang aarya pa nang bonggang-bongga itong Vodka… dahil may following na ang tambalang Bela Padilla at JC Santos.

Pero hindi raw maganda ang feedback sa pelikula, kaya medyo bumaba na pagkatapos ng first day showing nito.

Sana pumalo pa itong James & Pat & Dave dahil maganda naman ang promo ng Star Cinema.

Ang isa sa inaasahan at gustung-gusto ko sanang kumita ay itong Us Again ng Regal Entertainment at magsu-showing na sa February 26.

Maganda kasi ang trailer nitong first directorial job ni Joy Aquino, at magaling naman sina Jane Oineza at RK Bagatsing.

Meron na sanang masasabing box-office hit ang Regal.

JERRY OLEA

Continue reading below ↓

Swak sa Valentine’s Day ang streaming ng To All The Boys: PS I Still Love You. Perfect!

Ang karakter ni Lara Jean ay half-Korean.

Dito sa movie ay nag-hanbok (Choson-ot, traditional Korean dress) si Lara Jean at ang bunso niyang kapatid na si Kitty (Anna Cathcart).

E, di ba, kapapanalo pa lang ng South Korean film na Parasite bilang best picture sa 92nd Oscars or Academy Awards nitong Pebrero 9, Linggo (bale Pebrero 10, Lunes ng umaga, sa Pilipinas)?

May tatlo pang tropeyo ang Parasite — best international feature, best director, at best original screenplay.

Showing pa ito sa mga sinehan!

Abang-abang din tayo sa season 2 ng zombie K-thriller na Kingdom sa Netflix.

Sa Marso na ito, di ba?

Siyanga pala, magsasalpukan sa February 19 playdate ang local movies na Untrue (Xian Lim at Cristine Reyes) at Watch List (Alessandra de Rossi).

Sa Pebrero 26 ang Us Again (Jane Oineza at RK Bagatsing), at sa Marso 4 ang Hindi Tayo Pwede (Lovi Poe, Marco Gumabao, at Tony Labrusca).

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Noah Centineo and Lara Condor (left) return in To All The Boys: P.S. I Love You, while real-life couple Loisa Andalio and Ronnie Alonte (right) star in James & Pat & Dave.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results