Fans ni Alden Richards at ng KathNiel, sumiklab ang balitaktakan sa social media

by PEP Troika
Feb 13, 2020
Hindi ba matanggap ng ilang KathNiel fans na mas malakas sa box office ang pelikula nina Kathryn Bernardo at Alden Richards na Hello, Love, Goodbye kumpara sa pelikula ni Kathryn with Daniel Padilla na The Hows Of Us?
PHOTO/S: Star Cinema

JERRY OLEA

Mainit ang balitaktakan ng fans ni Alden Richards at fans ng KathNiel (Kathryn Bernardo-Daniel Padilla) nitong Pebrero 12, Miyerkules.

Paano kamo sumiklab ito?

Pebrero 7, Biyernes, inihayag ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation na sina Kathryn at Alden ang pararangalang Phenomenal Stars of Philippine Cinema sa 51st Box Office Entertainment Awards.

Gaganapin ang awards night sa Marso 15 sa Newport Performing Arts Theater sa Pasay City.

Ito ay para sa pelikula nilang Hello, Love, Goodbye, na umabot daw sa P1.3 billion ang worldwide gross, ang highest-grossing Filipino film of all time (hindi adjusted sa inflation).

Pebrero 9, Linggo, isa si Direk Cathy Garcia-Molina sa tatlong Camera Obscura awardees sa 4th FDCP Film Ambassadors Night sa Maybank Performing Arts Theater, BGC, Taguig City.

Si Direk Cathy ang direktor ng Hello, Love, Goodbye.

Inihayag doon na ang kabuuang kita ng mga pelikula ni Direk Cathy ay P6.13B.

Sabi ni Direk Cathy, dalawang pelikula na lamang ang gagawin niya, at magpapahinga na muna siya.

Continue reading below ↓

Pebrero 10, Lunes, nag-story conference ang pelikulang After Forever, na balik-tambalan nina Kathryn at Daniel, sa direksiyon ni Direk Cathy.

Dito na nagningas ang okrayan ng fans.

Take note na sa thanksgiving party ni Kathryn noong Setyembre 22 sa Tivole Royale Club, sinabi niya: “Next year will be a good year for KathNiel. Mag-ready po tayong lahat...”

NOEL FERRER

Ready na ako for the KathNiel reunion movie, pati na sa teleserye nilang Tanging Mahal.

As for Alden, his fresh combination with Kathryn deserves naman to be awarded.

Significant talaga ang box-office gross ng HLG, especially with the novelty of the combination.

What Alden needs now is consistency in terms of keeping his stocks high.

Sad lang, The Gift didn’t quite make the grade. Will Centerstage hit the mark?

Good luck... and all the best!

GORGY RULA

May mga ilang grupo talaga ng KathNiel fans na iba ang takbo ng isip.

Continue reading below ↓

Mabuti at hindi ito pinatulan ng mas maraming KathNiel fans, kaya hindi nag-trending sa Twitter.

Pero inaaway ng KathNiel fans si Alden Richards nang napabalitang nalagpasan na ng Hello, Love, Goodbye ang The Hows of Us ang kinita nito worldwide.

Sabi ng ilang movie press, magmula pa noong inilabas ng Star Cinema na almost P900M na ang kinita ng HLG, nagagalit na ang ilang KathNiel fans.

Pati ang Star Cinema ay tinitira nila dahil bakit daw itinatago ng naturang produksiyon ang tunay na figures ng kinita ng The Hows Of Us (THOU).

Naniniwala silang mas malakas pa rin itong huling KathNiel movie kesa sa KathDen.

Hello! Love-love na lang kasi! Goodbye na sa kanegahan!

Bakit gagawin iyan ng Star?

Bakit nila mas kikilingan ang pelikula ng KathDen kung totoong mas malakas ang THOU?

Nang inilabas ng Guillermo Mendoza Memorial Foundation ang pagiging Phenomenal Box Office Stars kina Kathryn at Alden, lalo silang nagngingitngit.

Continue reading below ↓

Si Alden naman ngayon ang pinagdiskitahan nila dahil hindi siguro nila matanggap na mas malakas ang pelikula nina Kathryn at Alden kesa kina Kathryn at Daniel.

Hello uli! Minsan lang ito. Hindi na siguro mauulit pa.

Magpasalamat na lang tayo na maganda ang kinalabasan ng pelikula.

Di ba, lalong nagpalakas iyon kay Kathryn dahil napatunayan na kahit hindi si Daniel ang ka-partner, malakas pa rin at talagang matindi ang suporta kay Kathryn na itinuturing nang makabagong Superstar.

Okay lang kung sabihin ninyong pinalakas ni Kathryn si Alden.

Pero hindi ba ninyo naisip na kung sakaling hindi si Alden o si Daniel ang ka-partner ni Kathryn sa Hello, Love, Goodbye, ganundin kaya kalakas ang pelikulang ito?

May kakaibang chemistry talaga ang KathDen na hindi nakikita sa KathNiel.

Mabuti na lang at hindi mapagpatol si Alden sa ganoon.

Ano kaya kung gawin ng fans ni Alden kay Daniel?

Magiging mahinahon kaya si Daniel sa ganoong pang-aalipusta at panlalait na ginagawa kay Alden?

Continue reading below ↓

Hindi mo rin masisisi ang fans ni Alden na sila na ang pumapatol dahil hindi nila matanggap na ganunin na lang ang idolo nila.

Suggest ko lang sana sa ilang KathNiel fans na ito.

Bakit hindi ninyo ireserba ang lakas ninyo sa social media para sa pelikulang After Forever nina Kathryn at Daniel?

Ipunin ninyo na iyan lahat na suporta para sa showing ng After Forever para malagpasan ang P1.3B ng Hello, Love, Goodbye.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Hindi ba matanggap ng ilang KathNiel fans na mas malakas sa box office ang pelikula nina Kathryn Bernardo at Alden Richards na Hello, Love, Goodbye kumpara sa pelikula ni Kathryn with Daniel Padilla na The Hows Of Us?
PHOTO/S: Star Cinema
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results