Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now

Yen Santos-Enzo Pineda ng MMK, makakatapat sina Rita Daniela-Kristoffer Martin ng MPK

by PEP Troika
Feb 13, 2020
Kuwento ng isang NBSB o no boyfriend since birth ang MMK episode nina Enzo Pineda at Yen Santos (left). Isang bayaning aso naman ang magiging sandalan ng engaged couple na gagampanan nina Rita Daniela at Kristoffer Martin (right) sa MPK.
PHOTO/S: MMK (The Official) / Magpakailanman Facebook

JERRY OLEA

Sino ba ang dapat arestuhin sa episode ng Maalaala Mo Kaya sa Pebrero 15, Sabado ng gabi, pagkatapos ng The Voice Teens sa ABS-CBN?

Sino ba ang nagnakaw ng puso—ang matulis na pulis (Enzo Pineda) o ang dalagang no boyfriend since birth (Yen Santos)?

Teaser pa lang nito, nakakakilig na. Tunay na pumapag-ibig.

Katapat nito sa Magpakailanman ng GMA-7 ang tambalan nina Rita Daniela at Kristoffer Martin, plus ang bayaning aso.

Tanong ni Mel Tiangco sa MELlennials, "Sino o ano ang paborito mong katabi sa pagtulog at bakit?”

Yen-Enzo versus Rita-Kristoffer ang magtatapat sa Sabado.

Aling tandem ang mas kakagatin ng televiewers?

GORGY RULA

Ay! Baka maka-relate ako sa Magpakailanman dahil mas type kong makatabi ang paborito kong aso!

Dito sa Magpakailanman ay masusubukan kung kaya na ni Rita na hindi si Ken Chan ang ka-partner niya.

Nang huli naming nakapanayam si Ken, sinabi nitong kung maaari lang ay si Rita ang gusto niyang maka-partner uli.

Continue reading below ↓

Ganun din si Rita, na sobrang kampante na at iba na raw ang friendship nila ni Ken.

Pero mabuti na ring subukan ngayon si Kristoffer Martin dahil ang dami nang lumagpas sa kanya.

Dapat noon pa siya nabigyan ng break.

Makabawi kaya ang Magpakailanman ngayon sa Maalaala Mo Kaya, na umabante noong nakaraang Sabado?

NOEL FERRER

Continuation pa rin ng Valentine celebration this Saturday, kaya ang Team Bahay ay may choice na manood ng MMK or MPK.

Pero teka, nabalitaan ba ninyo ang pagkaka-postpone ng concert na Love Throwback 3 nina Ella May Saison, Juris, Nina, Luke Mijares, at Ito Rapadas?

Na-move ito to a later date, samantalang ang ibang Valentine concerts ay tuloy.

Bakit kaya? Kung coronavirus disease 2019 (COVID-19) pa rin ang dahilan, bakit bukod-tanging sila lang ang local show na hindi natuloy?

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories

Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kuwento ng isang NBSB o no boyfriend since birth ang MMK episode nina Enzo Pineda at Yen Santos (left). Isang bayaning aso naman ang magiging sandalan ng engaged couple na gagampanan nina Rita Daniela at Kristoffer Martin (right) sa MPK.
PHOTO/S: MMK (The Official) / Magpakailanman Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results