Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now

Camille Prats at VJ Yambao, nasaksihan ang biglaang marriage proposals sa Bawal Judgemental

by PEP Troika
Feb 14, 2020
Mag-asawang Camille Prats at VJ Yambao, nagkamali sa pagpili ng dalawang pares ng magkasintahang akala nila ay kasal na. Pero laking-gulat nila nang biglang mag-propose si Don kay Mina at si Jay kay Janice (group photo L-R) sa "Bawal Judgemental" ng Eat Bulaga.
PHOTO/S: @EatBulaga Twitter

GORGY RULA

Punung-puno ng kilig ang Valentine episode ng Eat Bulaga nitong February 14, Valentine's Day, dahil dalawang pares na magkasintahan ang na-engage sa segment nilang "Bawal Judgemental."

Ang mag-asawang Camille Prats at VJ Yambaop ang naglaro sa segment na ito.

Ang unang tanong sa kanila ay sino ang apat na pares na ikakasal ngayong 2020.

Dalawa lang ang tamang hula ng mag-asawa; ang isa ay kakasal lang nung Lunes, February 10, habang ang isa ay hindi pa ikinakasal.

Ang magkasintahang sina Don at Mina ang isang maling pares na napili nina VJ at Camille.

Pero nagulat ang lahat nang biglang bumunot si Don sa likuran niya ng isang maliit na box kung saan may nakapaloob na singsing.

Sa puntong iyon ay lumuhod si Don, sabay tanong kay Mina: “Will you marry me?”

Naluluha sa tuwang sagot ni Mina: “Yes.”


Continue reading below ↓

Pati si Camille ay naluha rin sa nasaksihan.

Tinawag ang magulang ng magkasintahan, at hiningan sila ng mensahe sa kanilang anak.

Ganun din ang nangyari sa isa pang pares na hindi pinili nina Camille at VJ.

Kinilalang Jay at Janice ang sumunod na pares na na-engage din sa noontime show.

Pinaalis nina Jose Manalo ang iba pang pares para magkaroon ng sariling moment si Jay sa pagpu-propose kay Janice.


Continue reading below ↓

Ang mga ganitong real-life scenes sa "Bawal Judgmental" ang pinaniniwalaang dahilan kung bakit madalas nang natatalo ng Eat Bulaga! sa rating ang katapat na noontime show.

Noong nakaraang linggo, mula February 3 hanggang 9, pasok ang Eat Bulaga! sa top 30 toprated programs, ayon sa AGB Nielsen rating.

Hindi napasama roon ang It’s Showtime.

Continue reading below ↓

NOEL FERRER

Apektado ba ang It’s Showtime sa leave of absence ni Vice Ganda the past few days?

Iba talaga ang bugso ng gustong galawan sa TV ng mga manonood.

Minsan, mataas; minsan, deadma.

Isa sa mga inaabangan sa Eat Bulaga ngayon ay ang "Bawal Judgemental" segment. Sana, ma-sustain pa ito.

Sana mas marami pang maganda ang dalawang networks para mas maging kapaki-pakinabang ang noontime viewing fare.

JERRY OLEA

Super-enjoy si Fanny Serrano sa "Bawal Judgemental" segment ng Eat Bulaga.

"Super nakakaaliw talaga, but the best part para sa akin ay ang heartfelt lessons in life na nakukuha natin mula sa totoong buhay ng mga dabarkads na pinagpipilian," post ni Fanny sa Facebook nitong Pebrero 14.

Pero ayon sa National TV Ratings (Urban + Rural) ng Kantar Media nitong Pebrero 10 to 12 o Lunes hanggang Miyerkules, mas mataas pa rin ang rating ng It’s Showtime kaysa sa Eat Bulaga.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories

Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mag-asawang Camille Prats at VJ Yambao, nagkamali sa pagpili ng dalawang pares ng magkasintahang akala nila ay kasal na. Pero laking-gulat nila nang biglang mag-propose si Don kay Mina at si Jay kay Janice (group photo L-R) sa "Bawal Judgemental" ng Eat Bulaga.
PHOTO/S: @EatBulaga Twitter
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results