Isabel Rivas, saksi sa pagmamahal ni Marco Gumabao sa nakakulong na amang si Dennis Roldan

by PEP Troika
6 days ago
Isabel Rivas (left), inilarawan ang hirap ng kapatid na si Dennis Roldan (right) dahil hindi nito personal na nasusubaybayan ang milestones sa buhay ng anak nitong si Marco Gumabao (center).
PHOTO/S: Noel Orsal / @marcogumabao Instagram / GMA News

GORGY RULA

Hindi sumang-ayon si Isabel Rivas nang sinabi kong halos magkapareho ang mag-amang Dennis Roldan at Marco Gumabao pagdating sa kanilang kakisigan at takbo ng showbiz career.

Sa obserbasyon ko kasi, parang kagaya rin ng kay Dennis ang takbo ng career path ni Marco, na isa sa desirable hunks sa ngayon.

Pero ibang-iba raw ang pamangkin niya kung ikumpara sa kanyang kapatid na si Dennis.

Pahayag ni Isabel: "Hindi ko nakikita ang kapatid ko sa anak niya. Magkaiba sila. Iba si Marco, e.

"Parang siguro, dala na rin ng experiences na pinagdaanan nila. I see a different person, totally.

"Napaka-focused ni Marco, napaka-grounded.

"I’m not saying my brother is not like that, pero kanya-kanya sila, e."

Nakatsikahan namin si Isabel sa mediacon ng Kapuso teleseryeng Bilangin ang Bituin sa Langit nitong Pebrero 11, Martes.

Kapag dumadalaw si Isabel kay Dennis sa kulungan, napapag-usapan nila si Marco.

Proud na proud daw si Dennis sa anak nito.

Continue reading below ↓

"Minsan, may luha sa mata niya kapag napag-usapan namin si Marco," sabi ni Isabel.

Hindi raw nagkulang si Marco sa pagdalaw kay Dennis.

"Kailan lang, kumpleto lahat kami roon. Nag-birthday siya. May pa-tarpaulin pa kami," napangiting pahayag ni Isabel.

"Siyempre, hindi siya okey doon. Pero pastor siya doon ngayon. Nagtuturo siya doon sa loob.

"May purpose siya na hindi nasasayang yung oras niya," kuwento ni Isabel tungkol kay Dennis.

Reclusion perpetua, o lifetime imprisonment, ang hatol kay ng Pasig City Regional Trial Court noong August 2014, dahil napatunayang guilty siya sa kaso ng kidnapping sa isang Filipino-Chinese boy noong 2005.

Malaking leksyon daw sa pamilya nina Isabel ang nangyari sa kanyang kapatid.

"Bumalik na kami sa simple life. Basic life. Kasi, yun naman pala talaga, e.

"Lahat ng tao, may problema. Lahat ng tao, may sinusuportahan ka.

"Lahat tayo, may inaalagaan, may minamahal. Di ba, yun ang basic na family unit?"

Continue reading below ↓

Mas naging malapit daw sa isa't isa ang kanilang pamilya.

"So, palagay ko, siguro noong araw, hindi kami ganoon dahil watak-watak kami. Parang mas solid kami ngayon. Mas united.

"Of course, may problems along the way, but everything is fine," seryosong pahayag ni Isabel.

Sa February 24 na magsisimula ang afternoon drama ng GMA-7 ang Bilangin ang Bituin sa Langit.

Natutuwa si Isabel dahil makakatrabaho na niya si Nora Aunor.

JERRY OLEA

Nakatambal ni Dennis Roldan si Nora Aunor sa Bakit Bughaw Ang Langit (1981), na idinirek ni Mario O’Hara.

Sa tingin ko ay mas makisig at mas mapangahas si Dennis kaysa kay Marco.

May pa-pwetmalu si Marco sa Just A Stranger (2019) katambal si Anne Curtis.

Pero wala iyong binatbat sa kapangahasan ni Dennis sa mga pelikulang gaya ng Puri (1984) with Stella Strada, Salome (1981) with Gina Alajar, at Hiram na Katawan (1986) with Marilou Sadiwa.

Nagmumura rin ang sex appeal ni Dennis sa mga pelikulang Hot Property (1983) with Carmi Martin at Exploitation (1983) with Kristine Garcia.

Continue reading below ↓


NOEL FERRER

Pagkatapos ng Just a Stranger ni Marco with Anne Curtis, masuwerte siya at may lead roles na hahasa sa kanyang galing bilang artista.

Ipalalabas sa Marso 4 ang movie niya with Lovi Poe and Tony Labrusca na Hindi Tayo Pwede, sa direksiyon ni Joel Lamangan.

Continue reading below ↓

Sana, dumating ang pagkakataong hindi ang pwetmalu at kaseksihan lang ang pag-usapan kay Marco.

Parang sa ama niya, makagawa rin sana si Marco ng mahusay na pelikulang maipagmamalaki niya ang pagganap, tulad ng classic films na Bakit Bughaw Ang Langit at Salome.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Isabel Rivas (left), inilarawan ang hirap ng kapatid na si Dennis Roldan (right) dahil hindi nito personal na nasusubaybayan ang milestones sa buhay ng anak nitong si Marco Gumabao (center).
PHOTO/S: Noel Orsal / @marcogumabao Instagram / GMA News
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results