Sigrid Andrea Bernardo, sobrang metikuloso sa paggawa ng pelikula

by Jojo Gabinete
Feb 15, 2020
Director Sigrid Andrea Bernardo (left, shown with Untrue lead stars Xian Lim and Cristine Reyes) explains why she's very meticulous with all aspects of the movies she's involved with.
PHOTO/S: Noel Orsal

Apparently, ang “at the end of the day” ang isa sa mga favorite expression ng direktor na si Sigrid Andrea Bernardo dahil maraming beses niyang ginamit ang naturang linya sa presscon para sa Untrue, ang suspense-thriller-drama movie nina Cristine Reyes at Xian Lim na kanyang idinirehe at ipalalabas sa mga sinehan simula sa February 19, 2020.

Sinabi ni Sigrid na once a year lamang ang paggawa niya ng pelikula kaya “at the end of the day,” ang sarili ang kanyang nais na masiyahan.

“I only make one film a year so sa akin, marami na iyon. When I make a film, sobrang ibinubuhos ko talaga lahat kasi siguro, matagal ako bago nakagawa ng pelikula and lagi kong iniisip na baka it’s my first and last film, and I think dapat ganoon naman kapag gumawa ng pelikula. You treat it as your first and last film.

“Life is not short, life is long and you can die tomorrow. At least iyung pelikula, nagustuhan mo siya saka iyung pressure of ang daming critics na puwedeng you’re entitled to your own opinion na puwedeng i-bash. Iyung pelikula mo, puwedeng hindi maging blockbuster, walang nanonood.

Continue reading below ↓

“At the end of the day, sino ba iyung sina-satisfy mo? Dapat iyung sarili mo.

"Basta ako, satisfied ako sa ginawa ko kesehodang hindi siya kumita. Hindi man siya nagustuhan ng critics, at the end of the day, I’m happy kasi gusto ko iyung ginawa ko,“ ang mahabang pahayag ng direktor ng Untrue.

May depensa rin si Sigrid tungkol sa kanyang desisyon na siya ang kailangang masunod sa kalalabasan ng pelikula dahil ang pangalan niya ang nakataya.

“At the end of the day, wala naman kayong lahat sa editing, e.

"Ako lang iyung nandoon so kesehodang magreklamo kayo sa akin ng ilang beses, lahat ito para sa inyo.

“Para sa artista, para hindi kayo magmukhang engot sa pelikula iyung characters niyo.

“Lahat naman ng direktor, kaya iyan disciplinarian sa set, kasi at the end of the day, mag-isa sila, mag-isa kaming lahat sa editing, kami iyung mahihirapan.

“Hindi ko na-shoot ito kasi nagreklamo iyung artista so wala kayong lahat doon. At the end of the day, direktor lang ang nandoon sa editing, pati iyung editor, kung ano iyung susulusyonan nila.

Continue reading below ↓

“'Tapos, iyung pressure sa direktor na kapag inilabas mo iyung pelikula, puwede pa na pangit iyung reviews. Kunwari, mali iyung production design, pangit iyung acting, hindi naman nila iyon [isisisi] sa mga artista and sa production designer at cinematography. Ang titingnan lang nila doon is who directed it, kaya ako very strict kasi nandoon ang pangalan ko. Mainis na kayo sa akin, iyun pa rin ang gusto ko e,” ani Sigrid.

Nang tanungin kung alin ang untrue sa shooting ng Untrue, pinili ni Sigrid na sabihin ang truthful fact na hardworking actors sina Cristine at Xian, pati na ang production staff na kasama nila sa matagal na shooting ng Untrue sa Tblisi, Georgia.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Director Sigrid Andrea Bernardo (left, shown with Untrue lead stars Xian Lim and Cristine Reyes) explains why she's very meticulous with all aspects of the movies she's involved with.
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results