Jennylyn Mercado, Dennis Trillo success ang CoLove Live concert

by PEP Troika
Feb 16, 2020
Successful ang CoLove Live concert nina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo na idinaos kagabi, February 15, sa New Frontier Theater, Cubao, Quezon City.
PHOTO/S: Gorgy Rula

GORGY RULA

Ilang beses binanggit ni Dennis Trillo na nagpapasalamat siya sa lahat ng dumalo at nag-enjoy sa sold-out concert na CoLove Live nila ni Jennylyn Mercado nitong Pebrero 15, Sabado.

Napuno talaga ang New Frontier Theater na pinagdausan ng kanilang concert na nabuo mula sa kanilang YouTube Channel, na sabi ni Jennylyn, meron na silang mahigit 400,000 subscribers.

Napuno rin ng special guests ang naturang concert kaya hindi gaanong napansin ang hindi pagdating ni Janno Gibbs. Ka-duet sana ni Jennylyn si Janno sa ini-record nilang dalawa sa GMA Records na Moments of Love.

Mabuti at nasalo ito ni Nar Cabico na maganda ang kinalabasan.

Ang pinaka-riot sa lahat ng number ay ang kina Jennylyn at Alex Gonzaga.

Bentang-benta ang mga patawa ni Alex tungkol sa hinaharap na issue ng franchise renewal ng Kapamilya network. Naka-red kasi siya at naka-green naman si Jennylyn. Tinanong niya si Jennylyn kung naka-blue ba si Dennis para kakulay na raw nila ang ABS-CBN logo.

Continue reading below ↓

Hiniritan siya ni Jennylyn ng, "Kapuso, makulay ang buhay," na linya mula sa station jingle ng GMA-7.

Sinita siya ni Alex na huwag naman ganyan at namumroblema na raw sila.

Malamang, hindi mapapanood iyan sa airing nito sa GMA 7.

Kuwela rin ang production number ng magkasintahang Jerald Napoles at Kim Molina, kung saan nagpaka-Rak of Aegis sila ng Aegis songs.

Nabuo ang CoLove concert nina Dennis at Jennylyn ng kuwento ng kanilang pagmamahalan na hinati sa tatlong chapters.

Ang pagsisimula ng kanilang relasyon sa chapter 1, ang breakup o pinamagatang "Heartache" sa chapter 2, at ang "Second Chance" sa chapter 3.

Kasama rin sa special guests sina Nico Antonio, Juan Miguel Severo, Jay Durias, Nyoy Volante, Carlo Aquino, JK Labajo, at ang Juan Karlo band na napakaganda ng pagkakanta ng "Buwan." Andun din si Alden Richards na umani ng pinakamalakas na tili.

Sabi ni Jennylyn, sobrang kabado sila noong nagsimula sila dahil may sakit pa raw siya, pero noong papasok na sila sa chapter 2, ang galing na nila, lalo na si Dennis na kampante na sa mga susunod na kinanta niya.

Continue reading below ↓

Napansin din namin doon sa theater ang isang paru-paro na lipad nang lipad sa harapan ng stage. Sabi ni Jennylyn, “Si Mommy Lydia yun,” na tiyak na masayang-masaya sa successful concert na prinodyus ng anak niya at ni Dennis.

Si Mommy Lydia ang adoptive mother ni Jennylyn. Pumanaw ito noong October 2016.

NOEL FERRER

Ok na ok na may career sina Dennis at Jennylyn outside TV, and having this sold-out concert proves na meron silang paying crowd.

Here’s to more venues na puwedeng ilabas ang kanilang iba’t ibang talents, dahil aminin natin—aside from having a paying crowd, iba talaga ang level of excellence nina Dennis at Jennylyn. Hindi hype lamang! Congratulations!

JERRY OLEA

May career din sila sa pelikula, huh?! At hindi nakadepende sa isa’t isa ang kani-kanyang career.

Congrats sa CoLove ng DenJen, at nawa’y forever na ang kanilang pag-iibigan at pagsasama! Cheers!

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Successful ang CoLove Live concert nina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo na idinaos kagabi, February 15, sa New Frontier Theater, Cubao, Quezon City.
PHOTO/S: Gorgy Rula
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results