The Voice Teens, panalo laban sa Daddy's Gurl; Wowowin Primetime, tinalo ang Home Sweetie Home

by PEP Troika
Feb 17, 2020
Sarah Geronimo ng The Voice Teens, Maine Mendoza ng Daddy's Gurl, Willie Revillame ng Wowowin Primetime at Alex Gonzaga ng Home Sweetie Home Extra Sweet, iba't ibang aliw ang handog sa manonood tuwing weekend.
PHOTO/S: The Voice Teens / Daddy's Gurl / Wowowin Primetime / Home Sweetie Home: Extra Sweet

GORGY RULA

Nagsimula na noong Sabado, Pebrero 15, ang Wowowin Primetime ni Willie Revillame sa GMA-7.

Maganda naman ang rating niya na nakakuha ng 11.5%, ayon sa AGB NUTAM.

Ang katapat nitong programa sa ABS-CBN na Home Sweetie Home ay naka-8.6%.

Pero malakas pa rin talaga ang The Voice Teens, kaya nabalik sa Kapamilya network ang karamihan sa televiewers.

Naka-12.4% ang The Voice Teens at 9.9% ang katapat na Daddy’s Gurl.

Kahit ang Magpakailanman, na sinubukan ang tambalang Kristoffer Martin at Rita Daniela, ay naka-10.5% lang.

Natalo ito ng tambalan nina Enzo Pineda at Yen Santos sa Maalaala Mo Kaya na naka-12.2%.

JERRY OLEA

Nanguna sa hanay ng local TV programs noong Pebrero 15, Sabado ang The Voice Teens, ayon sa National TV Ratings (Urban + Rural) ng Kantar Media.

Naka-28.5% ang The Voice Teens, kumpara sa 17.1% ng Daddy’s Gurl.

Pumangalawa ang Maalaala Mo Kaya (MMK) na kasunod na programa ng The Voice Teens.

Continue reading below ↓

Naka-26% ang MMK episode nina Yen Santos at Enzo Pineda, kumpara sa 16.3% ng Magpakailanman episode nina Rita Daniela at Kristoffer Martin.

Sa darating na Sabado, Pebrero 22, ay bida naman sa MMK ang tandem nina Joshua Garcia at Janella Salvador.

Wow! Nagpakitang-gilas ang buena mano ng Wowowin Primetime.

Naka-20.1% lamang ang Home Sweetie Home, kumpara sa 21.8% ng Saturday edition ng game show ni Willie Revillame.

Wagi rin ang Saturday edition ng Prima Donnas! Ratsada ito kung weekdays, kung saan kinakabog ang Love Thy Woman.

NOEL FERRER

Mahalaga talaga ang pre-programming para maganda ang flow ng audience viewership.

Pero anuman ang sabihin, tila isang moog ang The Voice Teens kumpara sa kapanabayan nito.

Good luck sa paghahanap ng programang makakatapat at makakatalo sa The Voice!

atalo ang Kapuso Mo, Jessica Soho sa timeslot nito, at bumaba ito sa pangatlong puwesto sa hanay ng TV programs noong Pebrero 16, Linggo, ayon sa National TV Ratings (Urban + Rural) ng Kantar Media. #1 noong Sunday ang digital movie nina Seth Fedelin at Andrea Brillante, ang Wild Little Love na naka-30.4%, kumpara sa 17.9% ng Daig Kayo Ng Lola Ko kung saan tampok sina Sanya Lopez at Kisses Delavin, at 16.9% ng Centerstage. Naka-28.9% ang The Voice Teens, at naka-12.4% ang Gandang Gabi Vice, kumpara sa 25.8% ng Kapuso Mo, Jessica Soho. Nag-o-overlap! Naka-19.4% ang Rated K, kumpara sa 15.5% ng Amazing Earth. Naka-11.6% ang ASAP Natin ‘To, kumpara sa 9.5% ng All Out Sundays. Naka-10.8% ang Banana Sundae, kumpara sa 9.8% ng Dear Uge. Naka-7.0% lamang ang Silly Red Shoes, kumpara sa 8.1% ng The Boobay and Tekla Show.

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sarah Geronimo ng The Voice Teens, Maine Mendoza ng Daddy's Gurl, Willie Revillame ng Wowowin Primetime at Alex Gonzaga ng Home Sweetie Home Extra Sweet, iba't ibang aliw ang handog sa manonood tuwing weekend.
PHOTO/S: The Voice Teens / Daddy's Gurl / Wowowin Primetime / Home Sweetie Home: Extra Sweet
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results