GORGY RULA
Noong nakaraang Linggo, Pebrero 16, ay muling nanalo ang All-Out Sundays (AOS) sa AGB NUTAM.
Malamang na inabangan ng televiewers ang guesting ng Blind Balladeer ng Bacolod na si Carl Malone Montecillo.
Naka-5% ang AOS, at 4.7% ang ASAP Natin ‘To.
Tumuluy-tuloy na ang mga manonood dahil mataas din ang Dear Uge, na naka-4.9%, at 4.6% naman ang Banana Sundae.
Pagsapit ng gabi, nanatiling malakas ang The Voice Teens na naka-13.5%, at 9.5% lamang ang pilot episode ng Centerstage na hinu-host ni Alden Richards.
Nakakaaliw ang guesting ni Tita Annabelle Rama sa Gandang Gabi Vice, kung saan pinagsasabihan niya ang comedian-TV host na huwag basta-basta makipagrelasyon sa mas bata sa kanya, dahil hindi raw iyan magtatagal.
Tumitili na lang si Vice na sinasabi niyang basang-basa na raw ang kili-kili niya sa mga pinagsasabi ni Bisaya. P
ero nanatiling malakas pa rin ang katapat na Kapuso Mo, Jessica Soho na naka-16%, at 6.5% lamang ang GGV.
Nagpa-search naman ng Hari ng Tambay ang The Boobay and Tekla Show, na naka-4.9%, at 4.1% naman ang iWant movie na Silly Red Shoes.
NOEL FERRER
While we are still at it, malayo talaga ang gloss ng coverage ng The Voice Teens kumpara sa nag-pilot nang Centerstage na hinu-host ni Alden Richards.
Premium ang coach panel na sina Lea Salonga, Bamboo, apl.de.ap at Sarah Geronimo versus Pops Fernandez, Aicelle Santos, at Mel Villena.
At napansin ko na puro luma-ic ang buena manong mga kanta sa Centerstage, like "Salamat Salamat Musika" at "Isang Mundo, Isang Awit" na kapanahunan mo, Tito Gorgy!
So, tama ba ang strategy ng Centerstage para maabot ang kanilang target audience?
Baka kailangang i-assess itong muli para magkaroon naman ng fighting chance.
Good luck sa itatagal ng programang ito kung saka-sakali!
JERRY OLEA
Natalo ang Kapuso Mo, Jessica Soho sa timeslot nito, at bumaba ito sa pangatlong puwesto sa hanay ng TV programs noong Pebrero 16, Linggo, ayon sa National TV Ratings (Urban + Rural) ng Kantar Media.
No. 1 noong Sunday ang digital movie nina Seth Fedelin at Andrea Brillante, ang Wild Little Love na naka-30.4%, kumpara sa 17.9% ng Daig Kayo Ng Lola Ko kung saan tampok sina Sanya Lopez at Kisses Delavin, at 16.9% ng Centerstage.
Naka-28.9% ang The Voice Teens, at naka-12.4% ang Gandang Gabi Vice, kumpara sa 25.8% ng Kapuso Mo, Jessica Soho. Nag-o-overlap!
Naka-19.4% ang Rated K, kumpara sa 15.5% ng Amazing Earth.
Naka-11.6% ang ASAP Natin ‘To, kumpara sa 9.5% ng All Out Sundays.
Naka-10.8% ang Banana Sundae, kumpara sa 9.8% ng Dear Uge.
Naka-7% lamang ang Silly Red Shoes, kumpara sa 8.1% ng The Boobay and Tekla Show.