MPK ng StarStruck alumni Abdul Raman at Allen Ansay, tatapatan ang MMK ng JoshNella

by PEP Troika
Feb 20, 2020
StarStruck alumni Abdul Raman at Allen Ansay (left), sasabak sa matinding family drama sa Magpakailanman. Tambalang Joshua Garcia at Janella Salvador (right), pakikiligin ang mga manonood sa isang love story sa Maalaala Mo Kaya.
PHOTO/S: Magpakailanman / MMK (The Official) Facebook

JERRY OLEA

Maigting na drama ang matutunghayan sa Magpakailanman sa Pebrero 22, Sabado ng gabi, sa GMA-7.

Tampok dito si Glydel Mercado bilang isang relihiyosang ina. Hanggang saan ang tibay ng kanyang pananampalataya, kung sa tuwi-tuwina’y may pagsubok sa kanyang buhay at pamilya?

Kasama ni Glydel sa episode na ito sina Allen Ansay at Abdul Raman ng StarStruck Season 7.

Samantala, isang makabagong istorya ng pag-iibigan ang matutunghayan sa Maalaala Mo Kaya sa Sabado night, pagkatapos ng The Voice Teens sa ABS-CBN.

Bida rito sina Joshua Garcia at Janella Salvador, na nagtambal sa defunct Kapamilya teleseryeng The Killer Bride.

Ang blurb ng JoshNella episode na ito: “Ang tibok at indak ng puso, sinasabayan, hindi pinipigilan. Handa ka bang magtiwala? Handa ka bang saluhin siya?”

NOEL FERRER

Experimental ba o testing ground or anti-stereotype o tipid-tipid casting ang pinapairal ng Magpakailanman ng GMA?

Kung sabagay, kahit all of the above, may mga linggo talagang nakakaungos sila sa ratings.

Continue reading below ↓

So, kung minsan, hindi na yun nakabase sa kasikatan ng mga artista, kundi kung gaano ka-compelling ang isang istorya.

Iba rin ang pagkapulido dapat sa aspetong teknikal itong once-a-week primetime shows. May lead time to prepare, kaya busisiin at pagandahin.

Excited ako sa JoshNella tandem sa MMK this weekend.

Pero hangad ko na makatulong si Glydel sa pagbasbas kina Allen Ansay at Abdul Raman para maihaon sa pagiging "Cynthia" after ng Magpakailanman episode ito.

Malay mo naman, di ba, mag-hurrah ang kapalaran sa underdogs? Abangan!

GORGY RULA

Mas pinapalakas talaga ng Magpakailanman ang istorya, e.

Marami raw nakakarating sa kanila na sulat na talagang interesting ang kuwento, pero kailangan pa nila ng masusing research.

Gustung-gusto ni Glydel Mercado ang role niya rito na dapat kay Amy Austria.

Hindi lang pumuwede si Amy sa araw ng taping dahil may prior commitment siya sa kanyang church.

Napansin ko lang sa episode na ito na binibigyan nila ng magandang material ang pinakahuling batch ng StarStruck dahil magagaling daw sila.

Continue reading below ↓

Narinig ko lang na itong si Allen Ansay ay may problema raw sa kontrata sa dating manager at nagkakaroon ng conflict sa GMA Artist Center.

Sana, naayos nila ito.

Medyo matindi ang kalaban nitong Magpakailanman dahil bukod sa tambalang Joshua at Janella, malakas ang pre-programming na The Voice Teens.

Hindi talaga maitatangging malakas ang episodes ng blind auditions ng The Voice Teens.

Medyo lumalaylay lang sila kapag meron nang napiling finalists at nasa contest proper na, dahil nakukulangan na ng drama.

Samantala, na-tape na pala ang final episode ng Gandang Gabi Vice kagabi, February 19.

Si Raffy Tulfo ang special guest ni Vice sa episode na ito na mapapanood sa February 23.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
StarStruck alumni Abdul Raman at Allen Ansay (left), sasabak sa matinding family drama sa Magpakailanman. Tambalang Joshua Garcia at Janella Salvador (right), pakikiligin ang mga manonood sa isang love story sa Maalaala Mo Kaya.
PHOTO/S: Magpakailanman / MMK (The Official) Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results