Cristine Reyes at Xian Lim, nakakadiliryo ang chemistry

by PEP Troika
Feb 20, 2020
Inaasahang aakyat pa ngayong weekend ang kita ng Untrue nina Cristine Reyes at Xian Lim dahil, so far, maganda ang feedback ng pelikula.
PHOTO/S: Viva Films

JERRY OLEA

Nasa watch list ng moviegoers ang dalawang Pinoy movies na nag-open sa local theaters nitong Pebrero 19, Miyerkules—true or untrue?

Ipinalabas kahapon sa 170+ sinehan ang Untrue, na pinagbibidahan nina Cristine Reyes at Xian Lim. Nakakadiliryo ang kanilang chemistry.

Noong nakaraang taon ay nagbida si Cristine sa maaksyong pelikula na Maria, at nagkontrabida sa Kapamilya teleseryeng Nang Ngumiti Ang Langit.

Last year ay magkatambal sina Xian at Louise delos Reyes sa pelikulang Hanggang Kailan, at nasa cast siya ng panghapong Kapamilya teleseryeng Love Thy Woman, na bagong katapat ng umaarangkadang Prima Donnas.

Nag-umpisa ring mag-showing yesterday sa local cinemas ang Watch List, na bida ang sakdal husay na si Alessandra de Rossi.

Ang istorya nito ay makabuluhan, at inspired ng mga totoong kaganapan.

Lumahok na ang pelikula sa anim na international filmfests.

Co-actors dito ni Alessandra sina Jake Macapagal at Art Acuña.

Ibang-iba ang Watch List sa sleeper hit na Kita Kita (2017), na idinirek ni Sigrid Andrea Bernardo, na siyang direktor ng Untrue.

Continue reading below ↓

NOEL FERRER

Nang itanong ko sa kaibigan kong mas nakakaalam sa box-office results, heto ang sabi niya:

“Naku, don’t bother to check. Kasi, super baba talaga. Chugi bells na agad, kapatid!”

Kawawa naman! Wala pa talagang kumikitang local na pelikula after MMFF 2019. Hayyyyy....

GORGY RULA

Ayon sa ating source, mahigit P1M lang daw ang kinita ng Untrue nang magbukas ito sa mga sinehan kahapon, February 19.

Hindi na sila nagbigay ng figures ng Watch List dahil nabawasan na raw sila ng mga sinehan kahapon.

Inaasahang aakyat pa sa weekend ang Untrue nina Cristine Reyes at Xian Lim dahil, so far, maganda ang feedback na naririnig ko sa naturang pelikula.

Wala pa ring masasabing big hit sa mga pelikulang ipinalabas magmula noong Enero.

Mahina ang James & Pat & Dave na nagbukas noong nakaraang linggo.

Medyo lumakas lang daw noong Valentine weekend, kaya naka-P27M ang one week nito.

Ang two weeks ng On Vodka, Beers and Regrets ay naka-P70M.

Continue reading below ↓

Next week na ipalalabas ang Us Again ng Regal, at nagustuhan ko ang trailer ng pelikulang ito na pinagbibidahan nina Jane Oineza at RK Bagatsing.

Sana maganda ang resulta nito dahil parang wala pa talagang box-office hit ang Regal.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Inaasahang aakyat pa ngayong weekend ang kita ng Untrue nina Cristine Reyes at Xian Lim dahil, so far, maganda ang feedback ng pelikula.
PHOTO/S: Viva Films
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results