Judy Ann Santos bibida bilang Mother Lily; Gladys Reyes gaganap bilang Lolit Solis sa biopic

by PEP Troika
Feb 21, 2020
Gladys Reyes (in shoulder-baring dress in right photo), excited sa posibleng reunion project nila ni Judy Ann Santos (left). Pagbibidahan ni Judy Ann ang biopic ni Regal matriarch Lily Monteverde. Si Gladys naman ang napipisil na gumanap bilang Lolit Solis sa pelikula.
PHOTO/S: Facebook / Gorgy Rula

GORGY RULA

Suportado ng mga malalapit nilang kaibigan ang mag-asawang Christopher Roxas at Gladys Reyes sa bago nilang catering business.

Inilunsad ng mag-asawa ang kanilang Sommereux Catering nitong Pebrero 20, Huwebes, sa 38 Valencia Events Place, Quezon City.

Ilan sa close friends ni Gladys na dumating ay sina Carmi Martin, Donita Rose, Mikey Bustos, at ilang kasamahan niya sa GMA-7 afternoon drama series na Madrasta.

Dumating din ang manager ni Gladys na si Lolit Solis, at ang mag-inang Mother Lily at Roselle Monteverde na natutuwa sa kasipagan ng mag-asawa.

Sabi ni Gladys, "Kailangan po talaga.

"Apat na anak namin, kaya dapat kumayod pa talaga para mabigyan namin ng maayos na future ang mga anak namin."

Ang matalik na kaibigan ni Gladys na si Judy Ann Santos ang isa sa mga imbitado sa launch ng catering business ng Kapuso star.

Pero hindi nakarating si Judy Ann dahil may prior commitment ito sa event ng mister niyang si Ryan Agoncillo.

Continue reading below ↓

"Ang message niya kanina, super apologetic siya, hindi siya makakapunta.

"Pero sobrang happy niya for us sa new business venture.

"Gusto niya magkita kami ulit," saad ni Gladys tungkol sa usapan nila ni Judy Ann.

Suportado raw nina Gladys at Judy Ann ang isa't isa pagdating sa mga sinisimulan nilang negosyo.

Bukod sa catering business, pag-aari nina Gladys at Christopher ang Estela restobar sa Sta. Lucia, Cainta, Rizal.

Sina Judy Ann at Ryan ay may sarili ring mga restaurant business.

Pero ayon kay Gladys, walang kumpetisyon sa pagitan nila ni Judy Ann pagdating sa negosyo.

"Magkaiba kami, di ba? Siyempre, ang 'Angrydobo' ang kanilang specialty adobo, di ba? At kumain na rin ako doon.

"Ang nakakatuwa lang sa amin, we support each other.

"Pati ang Pizza Telefono, di ba, kay Ryan naman, nagpunta na rin kami doon.

"Every time na may event kami, pumupunta dun ang isa’t isa.

"Nagkataon lang na, today, talagang meron siyang important na ano with Ryan."

Continue reading below ↓

Ang isa pang ikinatuwa ni Gladys ay ang posibleng pagsasama nila ni Judy Ann sa isang pelikula.

Pagbibidahan ni Judy Ann ang biopic ng Regal Films matriarch na si Lily Monteverde, o kilala sa showbiz bilang Mother Lily.

Ayaw pang kumpirmahan ni Gladys sa atin, pero siya ang napipisil na gumanap bilang Lolit Solis sa pelikula ni Mother Lily.

Sabi ni Gladys, "Just the thought na magiging part ako ng biopic ni Mother Lily, na-excite na agad ako.

"Plus, dagdag pa sa excitement ko ay mukhang ang gagampanan ko ay ang role ni Nay Lolit Solis.

"Na-imbibe ko na si Nay Lolit. Double excitement yun na maging part ka ng napaka-colorful na buhay ni Mother Lily.

"E, di ba, si Mother, siya ang nag-umpisa lahat? Na hanggang ngayon ay mahal na mahal niya ang industry at gumagawa pa rin ng mga pelikula."

Ngayon pa lang ay napapaisip na raw si Gladys kung ano ang look niya bilang Lolit Solis.

Continue reading below ↓

"Gusto ko lang malaman kung anong era ni Nay Lolit iyon.

"Yun ba yung spike ang buhok niya o yun ba yung earlier [years] na marami pa siyang boyfriend?"

JERRY OLEA

Ang alam ko, mas matanda si Mother Lily ng siyam na taon kay Manay Lolit.

At mas matanda si Gladys ng isang taon kay Juday.

Parehong mahusay na aktres sina Juday at Gladys, kaya keri na iyon.

Teka! Sino kaya ang leading man ni Juday, if ever?

NOEL FERRER

Narinig ko rin iyan—Juday at Gladys para sa biopic ni Mother Lily.

Ang balita ko rin, pinagpipilian ang dalawang top leading men para maging Father Remy Monteverde.

Ang bet ko ay si Dingdong Dantes. Sana tanggapin niya ang role na ito.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Gladys Reyes (in shoulder-baring dress in right photo), excited sa posibleng reunion project nila ni Judy Ann Santos (left). Pagbibidahan ni Judy Ann ang biopic ni Regal matriarch Lily Monteverde. Si Gladys naman ang napipisil na gumanap bilang Lolit Solis sa pelikula.
PHOTO/S: Facebook / Gorgy Rula
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results