Guwapitong guest singer, bitbit buong pamilya sa dinner event

by PEP Troika
Feb 22, 2020
Sino itong guwapitong singer na bitbit ang buong pamilya pati girlfriend sa isang dinner concert sa Quezon City kamakailan?
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan

JERRY OLEA

Na-shookt ang isang bading na event organizer sa guwapitong singer na kinuha niya bilang panauhin sa isang dinner concert kamakailan sa Quezon City.

Hapit na hapit ang pantalon ni guwapitong singer, kaya bukol na bukol ang harapan nito, pero hindi iyon ang ikinalukring ng bading na event organizer slash talent coordinator.

Ang ikinawindang ni bading, binitbit ni guwapitong singer ang kanyang girlfriend, at join force din ang mga kapamilya niya mula sa parents, mga kapatid at mga pamangkin.

Shocking Asia si vadinger-Z dahil dalawang mesa ang okupado ng pamilya ni guwapitong singer.

Bilang lang ang mga manonood at bayad na ang mga mesa. Halos panawan ng ulirat si beki dahil saan niya pauupuin ang mga nagbayad at nagpareserba ng mesa?

Inurirat ni bading si guwapitong singer kung bakit kasama niya ang kanyang buong angkan.

Sabi ng singer, ipinagpaalam niya sa kanyang handler at road manager na ka-join niya ang kanyang pamilya na lumuwas pa mula sa malayong probinsya.

Continue reading below ↓

Para wala nang hassles, nagpadagdag si bading ng isa pang mesa para sa pamilya ni guwapitong singer.

Tumikwas ang mga kilay ni bading sa mga kasama ni guwapitong singer na kaylakas-lakas lumamon.

In fairness kay guwapitong singer, ginalingan niya ang performance. Bigay todo!

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Tuwang-tuwa ang audience. Hindi magkamayaw! Ang lambing-lambing at ang landi-landi ni guwapitong singer! Nag-request ng encore ang mga tao, at magiliw silang pinagbigyan ni guwapitong singer, na nanatiling mataas ng energy level.

Standing ovation ang audience!

Naibsan ang stress at ngitngit ni bading, lalo pa’t accomodating si guwapitong singer sa lahat ng nagpa-picture dito.

Pagkatapos ng event, super-pasalamat at super-yakap si guwapitong singer kay bading, with matching beso-beso.

Kumikiskis-kiskis kay bading ang bukol ni guwapitong singer, kaya tuluyang nalusaw ang galit ng baklush.

Napangiwi na lang ang bading nang masilayan na may supot na dala ang mother dear ni guwapitong singer. Katwiran ni mudra, sayang iyong mga pagkaing tira kaya ipapakain niya sa mga alagang aso.

Continue reading below ↓

Kinuha ulit ni bading si guwapitong singer sa isa pang event, pero nakalagay sa kontrata na hanggang dalawa lang ang puwedeng companion nito.

GORGY RULA

May ganoon ding drama ang isang singer-actress na sikat na ngayon at may sarili nang programa.

Dati kasi, kapag nasa taping ito, bitbit ang mother, father and brother. Kasama pa riyan ang alalay at minsan, pati make-up artist.

Lahat sila, pakakainin ng production. Kaya sumasakit ang ulo ng EP.

Ngayon ay hindi na complete ang entourage. Minsan, si mader na lang.

Kaya na nilang mamalengke ng ulam nila sa house dahil ang laki na ng kinikita ni singer-actress.

Iba na kasi ang panahon ngayon sa taping. Super tipid na. Bilang na bilang na ang kasama ng bawat artist, na kahit baso, kailangang dala na nila.

Kaya nakakahiya nang ipalibre ang buong pamilya sa taping o kahit sa isang event.

NOEL FERRER

Naku, classic naman ang kuwento na alam ko tungkol sa balot at takeaway queen na tatalunin pa si Nanay Lolit sa panghaharbat.

Continue reading below ↓

Isa itong host na bago pa man matapos ang show at nakabalot na ang mga nilutong pagkain at kung anong giveaway na iminumuwestra sa show.

Pati sa mga ganap na ito ang punong abala ay nangingiwi ang participants dahil mahilig siya talaga sa mga harbat at freebies.

Hay naku, siya na ang nuknukan sa gawing ito at deadma na lang ang mga tao at iniiwasan itey.

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sino itong guwapitong singer na bitbit ang buong pamilya pati girlfriend sa isang dinner concert sa Quezon City kamakailan?
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results