Direk Jay Altarejos, may hamon kay Sinag Maynila Festival Director Brillante Mendoza

by PEP Troika
Feb 23, 2020
Director Jay Altarejos (left) to Sinag Maynila Festival Director Brillante Mendoza: “Sana sabihin nila ang totoong rason na sinabi at napag-usapan namin bago sila naglabas ng statement, at huwag itago sa teknikalidad ang pag-pull out sa aming pelikula. Magsabi lang sila ng totoo, yun lang!”

NOEL FERRER

Napaiyak ang direktor ng pelikulang Walang Kasarian Ang Digmang Bayan na si Jay Altarejos.

Hindi dahil sa pagkakatanggal ng pelikula niya sa Sinag Maynila noong Biyernes, Pebrero 21, kundi sa disappointment sa mga nangyayari at sa proseso kung paano humantong sa ganito ang kanyang “relasyon” with the Sinag Maynila people, especially sa festival director nitong si Brillante “Dante” Mendoza.

“Sana, sabihin nila ang totoong rason na sinabi at napag-usapan namin bago sila naglabas ng statement, at huwag itago sa teknikalidad ang pag-pull out sa aming pelikula,” ani Direk Jay.

Hindi raw naghahabol si Direk Jay na maibalik ang kanilang pelikula sa Sinag Maynila pagkatapos itong iitsapuwera.

“Magsabi lang sila ng totoo, yun lang!”

Kakatwa na sa ibang artikulo, pareho sila ni Direk Brillante na na-quote na nakikipaglaban para sa freedom of speech and expression.

Pero sabi ng ibang miyembro ng ating film community, nasaan ang consistency?

Heto ang madamdaming mensahe ni Direk Jay kay Direk Brillante sa aming programang Level Up Showbiz Saturdate nitong nakaraang Sabado, Pebrero 22, sa TeleRadyo Inquirer 990khz:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Dante, yung mga pelikula natin, ang kuwento nun, galing sa mga tao, sa mga dispossessed, sa mga inaapi, sa mga mahihirap.

“Hindi ito ang panahon na talikuran natin sila.

"Ngayon tayo kailangan ng tao, kailangan tayo ng mga taong kinunan natin ng mga kuwento na nagdala sa iyo, lalo na sa iyo sa mga festival.

“Isa ka sa pinaka-blessed at pinakamasuwerte na tao na naging boses ng mga Pilipino sa ibang bansa. Sana balikan natin yun.

“Sana balikan natin ang pinanggalingan ng mga found story. Na ang found story ay ginagawa natin dahil gusto nating ikuwento ang kuwento ng mga maliliit, ng mga inaapi lalo na ngayon.”

GORGY RULA

Nakakaduda nga kung yung sinasabing "technicality" ang dahilan kaya tinanggal NG Walang Kasarian Ang Digmang Bayan sa mga kalahok sa Sinag Maynila.

Kasi, kung yun ang totoong dahilan, sana ay hindi na siya nakapasok.

Considered as technicality na rin kaya ang totoong dahilan na ayaw lang sabihin sa balana?

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Hinahamon ni Direk Jay ang festival director ng Sinag Maynila na si Direk Brillante Mendoza na mag-usap sila sa harap ng media kung ano talaga ang totoong dahilan ng pagkatanggal ng pelikulang Walang Kasarian Ang Digmang Bayan.

Bahagi ng ipinost ni Direk Jay sa Facebook nitong Pebrero 21, Sabado:

“Brillante Mendoza, sa meeting na naganap nung Feb 20 sa Solar office, isa ang hiniling ko sa inyo. SABIHIN NYO LANG ANG TOTOO sa statement nyo at susuportahan ko kayo o hindi ako magsasalita.

“Nagsasalita ako ngayon at patuloy pa na magsasalita sa mga susunod na araw dahil nagsinungaling kayo.

“IniimBitahan kita, Brillante Mendoza, at ang Sinag Maynila na makipag-usap sa akin sa harap ng media para sagutin kung ano ang nangyari sa pagitan ng presscon, kung saan ipinalabas ang trailer, at sa nangyaring meeting nung Huwebes.

“Tayo ba ay Martial Law na at ikaw ang tagapagpaganap sa sektor ng pelikula, Brillante?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tingnan na lang natin kung sasagutin ito ni Direk Brillante Mendoza.

Wala naman siguro itong kinalaman sa pagiging malapit ni Direk Brillante sa ating pangulo, at pagkatapos ng dalawang beses niyang naidirek ang SONA nito.

JERRY OLEA

Mga pangunahing artista ng Walang Kasarian Ang Digmang Bayan sina Oliver Aquino, Rita Avila, Arnold Reyes, at Sandino Martin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nasa cast din nito sina Archie Adamos, Iana Bernardez, Lex Bonife, Chai Fonacier, Ruby Ruiz, Star Orjaliza, Erlinda Villalobos, Lui Manansala, at marami pang iba.

Umabot na sa 4.9K ang views sa YouTube ng trailer ng movie, kung saan takaw-pansin ang linya ni Rita Avila sa trailer na, “Ako mismo ang papatay kay Duterte.”

Sabi ni Direk Brillante nang usisain namin via Messenger noong Pebrero 21, Biyernes ng gabi, kung may kapalit na ang Walang Kasarian Ang Digmang Bayan sa Sinag Maynila, “We will announce next week.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Director Jay Altarejos (left) to Sinag Maynila Festival Director Brillante Mendoza: “Sana sabihin nila ang totoong rason na sinabi at napag-usapan namin bago sila naglabas ng statement, at huwag itago sa teknikalidad ang pag-pull out sa aming pelikula. Magsabi lang sila ng totoo, yun lang!”
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results