Myrtle Sarrosa, pasok na ba sa cast ng Voltes V reboot?

by PEP Troika
Feb 23, 2020
New Kapuso talent Myrtle Sarrosa on her Voltes V audition: “I did my best and we’ll see kung sinong pipiliin nila. Alam kong marami pang mahuhusay na aktor at aktres na nag-audition for the many roles for the live action. We’ll see kung sino ang kukunin nila.”
PHOTO/S: Myrtle Sarrosa Instagram

GORGY RULA

Pagkatapos ipakilala si Myrtle Sarrosa bilang bagong Kapuso sa pagpirma nito sa GMA Artist Center, marami ang naniniwalang magiging bahagi na siya ng live action remake ng Voltes V.

Inamin ng dating Kapamilya artist na nag-audition siya sa Voltes V, pero wala pa raw siyang alam kung pasok ba siya.

Sabi ni Myrtle nang humarap ito sa media nitong nakaraang Biyernes ng tanghali, Pebrero 21, “Nagulat ako sa balitang yun, kasi wala pa po talagang confirmed na role na ibibigay sa akin.

"Hindi ko po alam kung saan po ako maisasali.

“Pero I did audition for a role sa upcoming na live action ng GMA.

"And since, sobrang fan naman po talaga ako ng Voltes V, it would be a dream role. Pero ayoko ko po munang mag-expect.

“I did my best and we’ll see kung sinong pipiliin nila.

"Alam kong marami pang mahuhusay na aktor at aktres na nag-audition for the many roles for the live action. We’ll see kung sino ang kukunin nila.”

Continue reading below ↓

Wala pa kasing in-announce ang GMA-7 kung sino na talaga ang magiging bahagi nito.

May mga lumalabas na balitang kasali sina Miguel Tanfelix at Ruru Madrid, pero patuloy pa ring nagpapa-audition si Direk Mark Reyes.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Meron pa silang audition bukas, February 24, Lunes, para sa role na Big Bert, ang piloto ni Voltes V.

Open ito sa mga lalaking edad 18 to 20 at may taas na hindi bababa sa 5’8”.

Dapat ay may kalakihan ang katawan at may kakayahan sa martial arts.

Sa mga interesadong mag-audition, magsadya sa GMA Annex Bldg. bukas ng 11:00 AM.

NOEL FERRER

Excited ako sa Voltes V project at sa kung ano ang puwedeng magawa ni Myrtle sa GMA-7.

Natatandaan ko lang na this girl has a big crush on my talent Atom Araullo.

Sana, like Atom, Myrtle gets to grow and hone her talents now that she's part of the Kapuso network.

JERRY OLEA

Continue reading below ↓

Bilib si Direk Maryo J. de los Reyes sa kakayahan ni Myrtle.

Ididirek sana niya ang launching movie ni Myrtle sa Regal Films—isang sexy drama na magsu-shooting sa Singapore.

Kaso pumanaw si Direk Maryo J noong Enero 27, 2018.

Andami nang pelikulang ginawa ni Myrtle mula nang mawala si Direk Maryo. Napanood natin si Myrtle recently sa Block Z at James & Pat & Dave.

Masuwerte si Myrtle na nakapag-ober da bakod siya sa Kapuso Network.

Patuloy ang pag-asam natin na magningning pa lalo ang kanyang pagiging bituin.

Read Next
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
New Kapuso talent Myrtle Sarrosa on her Voltes V audition: “I did my best and we’ll see kung sinong pipiliin nila. Alam kong marami pang mahuhusay na aktor at aktres na nag-audition for the many roles for the live action. We’ll see kung sino ang kukunin nila.”
PHOTO/S: Myrtle Sarrosa Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results