Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now

Young actress, gustong maging third party sa magdyowang co-stars?

by PEP Troika
Feb 24, 2020
Ka-love team ng young actor, selos na selos sa co-star na girlfriend na ni young actor.
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan

JERRY OLEA

Natikman na kaya ng young actress at young actor ang tamis ng unang halik?

Tampok ang dalawa sa isang teledrama. Lubos ang pasasalamat ng young actor sa young actress (YA) na nagpapayo at gumagabay sa kanya sa trabaho.

Nagpakatotoo ang young actress, kaya umusbong ang magandang pagkakaibigan sa pagitan nila ng young actor.

Inspirasyon ng young actor ang young actress upang lalong maging masigasig.

Minsan na may pinagdaanan ang young actor, ang young actress ang kanyang “shoulder to cry on.”

Ang pusong sabik ni YA, pumintig din para sa pogilicious young actor.

Ang masaklap, ibang young actress ang inila-love team kay pogi.

Magkakasama sana sa guesting sa isang weekly program ang young actor at ang dalawang actress upang i-promote ang kanilang teledrama na umaarangkada sa ratings.

Kaso, nakumpirma ni young actress na ka-love team (LT) na magsyota na si young actor at ang inspirasyon nitong si YA.

Walk out si LT! Idinahilan niya na masama ang kanyang pakiramdam.

Continue reading below ↓

Naghihinampo si LT sa co-star na si YA.

Alam na alam ni YA na may ka-love team na si young actor, bakit tinalo pa raw niya ito?!

Lasap na lasap ni LT ang kirot ng unang pagkakanulo.

GORGY RULA

Nag-celebrate si young actress (YA) ng kaarawan kamakailan.

At nasilip ko sa kanyang Instagram account, walang greeting doon si young actress na ka-love team (LT) ng young actor na may tampo diumano kay YA.

Halos lahat kasi na co-stars ni YA ay bumati sa kanya. Ewan ko lang.

Baka naman personal na binati ni LT si YA, dahil halos araw-araw silang nagkikita sa taping.

Pero sa totoo lang, napakabata pa nilang masangkot sa ganitong isyu. Ang pangit pag-usapan na nagkakaroon sila ng gap dahil sa lalaki.

Dito papasok ang paggabay ng kanilang magulang o guardian. Isama na natin ang production staff na kasama nila sa taping.

Sana, mapagsabihan silang mag-ingat muna sa ganitong isyu dahil magsisilbi silang ehemplo sa mga kabataang sumusubaybay at humahanga sa kanila.

Continue reading below ↓

Maganda ang performance sa ratings ng kanilang teledrama, at hinuhubog pa sila para lalong gumaling ang kanilang pagiging artista.

Sana, sa trabaho at pag-aaral muna sila mag-focus, di ba?

NOEL FERRER

Maganda nang itago natin sila sa blind item.

Mas may value sila kung ganito.

Dahil mabunyag man ang mga pangalan nila, ang masasabi ko pa rin... CYNTHIA?!

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories

Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ka-love team ng young actor, selos na selos sa co-star na girlfriend na ni young actor.
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results