Wedding reception nina Sarah at Matteo for celebrity friends, strictly invitational

by PEP Troika
Feb 24, 2020
Sa kabila ng kaguluhang nangyari sa kanilang secret wedding, isang wedding reception ang nakatakda para sa celebrity friends nina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli.
PHOTO/S: Bianca Rufino Instagram

JERRY OLEA

Auspicious date ang Pebrero 20, 2020.

Sa numerology, 02-20-2020... Lucky 8. Ang 20/20 vision, malinaw.

Kaya hindi kataka-takang nagpakasal sina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli sa araw na iyan.

Inaasahan nating one of these days, may wedding reception ang AshMatt para sa mga kaibigan nilang celebrities.

Strictly invitational! Bawal ang gaka! Walang tatalak sa Tala!

Sabik tayong makibalita sa Divine Celebration nina Mr. & Mrs. Guidicelli!

NOEL FERRER

Napag-alam ko na pinapirma ng NDA (Non-Disclosure Agreement) ang mga involved na suppliers, ultimo yung stylists at make-up artists sa magaganap na Divine Reception.

Aligaga ang ibang mga kaibigan natin na magpagawa ng damit na pasok sa color motif—earth colors at nude.

More than that, ito na ang pagdiriwang ng mga bagong kasal na mahal ng publiko (at ang iba’y nagpaalam na sa mga taping nila para maka-attend sa gaganaping reception).

Kaya sana, wala nang makakahadlang pa! Mabuhay ang Bagong Kasal!!!

Continue reading below ↓

GORGY RULA

Kaya talagang itago ang ganitong selebrasyon kung wala sanang nakigulo.

Sana, naging masaya na lang tayo sa dalawang taong nagmamahalan.

Iyan din ang unang naramdaman namin noon nang biglang pumutok ang balitang nagpakasal na sa isang maliit na simbahan sa Batangas sina Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos.

Pagkatapos ng napaka-private na selebrasyon, nagkaroon sila ng isa pang pagtitipon para sa iba pang mga malalapit na kaibigan, kasama na roon ang friends na movie press.

Tipong ganoon din ang ginawa nina Christian Bautista at Kat Ramnani na pribado rin ang wedding ceremony sa Bali, Indonesia.

Pagbalik ng bansa, nagkaroon din ng maliit na selebrasyon para sa mga kaibigang hindi naimbitahan sa Bali.

Tipong ganoon siguro ang gustong gawin nina Sarah at Matteo, at hangad naming mairaos nila nang maayos, at masaya lang ang lahat.

Wala na sanang gatecrasher para lumikha lang ng alingasngas.

Tama ba, Sir Noel, na ngayong Pebrero 24, Lunes, bumalik si Sarah sa taping ng The Voice Teens?

Continue reading below ↓

Katakut-takot daw na kantiyaw ang inabot ni Mrs. Guidicelli mula sa mga kasamahan niyang coaches at sa host na si Luis Manzano?

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sa kabila ng kaguluhang nangyari sa kanilang secret wedding, isang wedding reception ang nakatakda para sa celebrity friends nina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli.
PHOTO/S: Bianca Rufino Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results