The Voice Teens at Wowowin Primetime, namamayagpag sa ratings tuwing Sabado

by PEP Troika
Feb 25, 2020
Wagi sa kani-kanilang timeslots ang The Voice Teens (kaliwa) ng ABS-CBN at Wowowin Primetime (kanan) ng GMA-7.
PHOTO/S: ABS-CBN / GMA-7

JERRY OLEA

Umarangkada muli ang programang The Voice Teens (Season 2) noong Pebrero 22, Sabado.

Ayon sa National TV Ratings (Urban + Rural) ng Kantar Media, naka-27.6% ang The Voice Teens, kontra sa 16.1% ng Daddy’s Gurl.

Wagi rin ang pagpapakilig nina Joshua Garcia at Janella Salvador sa Maalaala Mo Kaya.

Naka-27.2% ang MMK ep ng JoshNella, kumpara sa 14.9% ng Magpakailanman na tinampukan nina Glydel Mercado, Don Umali, Jenzel Angeles, Allen Ansay, at Abdul Raman.

Nagpakitang-gilas na naman ang Saturday edition ng game show ni Willie Revillame sa GMA-7.

Naka-19.8% ang Home Sweetie Home, kontra sa 16.4% ng Pepito Manaloto, at 20.7% ng Wowowin Primetime.

Umaariba rin ang Sabado edition ng youth-oriented teledrama na Prima Donnas, kung saan lucky charm si Aiko Melendez.

Naka-15.2% lamang ang Ipaglaban Mo, kontra sa 16.5% ng Prima Donnas, at 14.4% ng Tadhana.

GORGY RULA

Ayon naman sa AGB NUTAM, nanatiling mataas pa rin ang Wowowin Primetime at ang The Voice Teens noong nakaraang Sabado.

Continue reading below ↓

Simulan muna natin sa 24 Oras na may 6%, at 5.1% ang katapat na Kuha Mo.

Naka-8.4% naman ang Pepito Manaloto versus 7.1% ng TV Patrol.

Ang Wowowin ay 10.5%, at ang Home Sweetie Home ay 8.8%.

Noon pa man, mataas talaga kapag blind auditions ang The Voice.

Kaya itong The Voice Teens ay naka-12.6% noong Sabado, at 9.2% ang Daddy’s Gurl.

Tumuluy-tuloy na sa Maaalala Mo Kaya na naka-13.1%, at 9.4% lamang ang Magpakailanman.

NOEL FERRER

Interesting pala ang results ng Saturday ratings, at mayroong nananalong Kapamilya at Kapuso shows.

Ang hindi talaga natitibag ay ang The Voice Teens.

Gaano kaya makakatulong ang curiosity at interes ng mga tao sa bagong kasal na si Coach Sarah Geronimo?

Lalo ba itong makakapagpalawak ng lamang nila sa katapat na programa? Malalaman natin iyan sa mga susunod pang araw.

Napansin ko lang, hindi tulad noon, maraming magagaling na auditionees ang pumipili kay apl.de.ap bilang coach, ha?!

Continue reading below ↓

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Wagi sa kani-kanilang timeslots ang The Voice Teens (kaliwa) ng ABS-CBN at Wowowin Primetime (kanan) ng GMA-7.
PHOTO/S: ABS-CBN / GMA-7
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results