Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now

Gloc-9 at JK Labajo, nagsanib-puwersa para sa awiting "Sampaguita"

by PEP Troika
Feb 25, 2020
Rapper Gloc-9 (left) and rocker JK Labajo (right) collaborate for the song "Sampaguita." “It’s a very powerful song," says Gloc-9.
PHOTO/S: JK Labajo Instagram

JERRY OLEA

Ire-release na sa Pebrero 28, Biyernes, ang kantang "Sampaguita," na collaboration nina Juan Karlos “JK” Labajo at Gloc-9.

“It’s a very powerful song. Na-inspire talaga ako nang ibinigay niya sa akin ang material last year,” sambit ng 42-anyos na rapper nang mainterbyu namin nitong Pebrero 24, Lunes, sa Padi’s restaurant and bar, Sky Garden, SM North EDSA, Quezon City.

“I think noong ibinigay niya sa akin yun, natapos ko rin yung tatlong verses ko that night.”

Iyong kanta ba ay tungkol sa mga batang babaeng nagtitinda ng sampaguita sa kalye?

“Hindi po,” mabilis na tugon ni Gloc-9.

“Sobrang iba siya. Abangan niyo na lang po.

"Mahirap magsabi ng ano, dahil hindi po ako yung official na...

“Nakisali ako sa song, e. Pero iyon ay awitin under MCA and JK, so iyon lang po, pino-promote ko.”

Paano nagkrus ang landas nila ni JK para mabuo ang "Sampaguita"?

“Una, kinuha niya iyong number ko. Then, tinext niya ako.

Continue reading below ↓

"So, I think, noong nakuha ko sa kanya iyong material that night, natapos ko rin iyon.”

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Marami nang naka-collab si Gloc-9. Sino pa ang gusto niyang maka-collaborate sa pagkanta?

“Siyempre, nasa list ko pa rin si Sir Gary [Valenciano],” saad ni Gloc-9.

“And then, andami-dami ring... IV of Spades, sobrang galing.

Continue reading below ↓

"Si Shanti [Dope], nakagawa na sa kanila. Na-experience na ni Shanti ang galing ng mga yun.

“So, nakakagulat.

"I think, iyong mga bagong lumalabas na mga artist ay example ng escalation.

“Meaning, kung gaano kagagaling iyong artists before, pag may bagong lumabas na artist ngayon na well-versed o aral sa mga naunang artist, mas magaling pa talaga sila, e.

“So, parang ibang breed talaga, e. So, nakaka-excite!”

GORGY RULA

Uso pa rin talaga ngayon ang collaborations, kaya bukod dito sa collab nina Gloc 9 at JK, wish rin pala ni Gloc 9 na maka-collaborate si Gary Valenciano.

Hindi lang daw niya maisip kung anong kanta ang pagsasamahan nila.

Si Shanti Dope naman ay wish pa niyang maka-collab si Regine Velasquez.


Continue reading below ↓

Pero kaabang-abang din itong kina Gloc 9 at JK, dahil kailangan na ni JK magkaroon ng bagong kanta pagkatapos ng hit song niyang "Buwan."

Sa totoo lang, ang dami dami nang kumanta ng "Buwan," si JK Labajo pa rin talaga ang the best na version.

NOEL FERRER

Exciting iyang collab nina Gloc-9 at JK.

Puwede rin kayang mag-collab sina Gloc at Darren Espanto?

Or better yet, mag-collab na at magkamabutihan na sana sina JK at Darren.

JERRY OLEA

Kasado na ang bar tour ni Gloc-9 sa iba’t ibang sangay ng Padi’s.

Magpe-perform si Gloc-9 sa Padi’s Shaw (Mayo 14), Padi Bacoor (Mayo 16), Padi’s Pasay Taft (Mayo 22), Padi’s Remedios (Mayo 30), at Padi’s Caloocan (Hunyo 14).

Nakatakda namang mag-tour si Shanti Dope kasama si JKris sa Padi’s Fairview (Mayo 8), Padi’s Metro East (Mayo 15), Padi’s Las Piñas (Mayo 29), Padi’s Dasmariñas (Hunyo 1), Padi’s Baguio (Hunyo 19), at Padi’s Coronet (Hunyo 21).

Continue reading below ↓

Ano pa ba ang bago kay Gloc-9?

“Dahil ako po’y nag-independent, ako po’y patuloy na sumusulat ng mga bagong materials,” lahad ng rapper na 23 taon na sa music industry.

“Iyong mga bagong songs ko po, I think, mga five or siz releases na, ay nasa aking Gloc-9 YouTube channel.

“Ahmm, medyo... ginarapal ko na, e.

"Ginawa ko nang record label, radio station, noontime show, at kung anu-ano pa ang aking YouTube channel.

“Kaya para sa bagong releases, punta na po kayo doon.”

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Rapper Gloc-9 (left) and rocker JK Labajo (right) collaborate for the song "Sampaguita." “It’s a very powerful song," says Gloc-9.
PHOTO/S: JK Labajo Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results