Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now

Arjo Atayde at Maine Mendoza, sumunod na kaya kina Matteo at Sarah?

by PEP Troika
Feb 26, 2020
Arjo Atayde on wedding plans with Maine Mendoza: “We’re not wasting each other's time naman. But… I’d rather not talk about… when it’s about to happen."
PHOTO/S: Instagram

GORGY RULA

Mabilis na “Yes!” ang sagot ni Arjo Atayde nang tinanong namin kung si Maine Mendoza na ba ang “the one” para sa kanya.

Napag-uusapan na rin daw ng magkasintahan kung ano ang plano nila sa future.

Pero tumanggi si Arjo sabihin kung may wedding plans na ba sila.

“We’re not wasting each other's time naman.

"But… I’d rather not talk about… when it’s about to happen.

“I’d rather keep it to myself,” sabi ni Arjo sa presscon ng Beautederm nitong Pebrero 25, Martes.

Kung sakali, sila rin ba yung tipo nina Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo na isisikreto ang kasal?

“For me, whatever… it’s her day, e. Wedding is a woman’s day, e.

"So, it’s her decision. Whatever kung saan siya comfortable. I don’t know yet,” nakangiting sagot ni Arjo.

Basta kung sakali, kinikilig ang Beautederm CEO na si Rhea Anicoche-Tan nang sabihing dapat isa siya sa magnininang.

Continue reading below ↓

Sa ngayon ay ine-enjoy na rin muna ni Arjo ang pagsosolo.

Nakatira na siya sa sarili niyang condo unit.

Napangiti uli siya nang tinanong namin kung nakapunta na ba roon si Maine.

Ayaw rin niyang sabihin sa amin kung ano ang iniregalo ni Maine sa bagong condo unit na tinutuluyan niya. “

She gave me something… basta po. Of course, it’s her gift,” matipid na sagot ni Arjo sa amin.

JERRY OLEA

Mabuti at nginitian lang ni Arjo ang tanong kung nakapunta na ba si Maine sa kanyang condo unit.

Ang next question doon, kung nakapag-sleepover na ba ang dalaga.

Ibang-iba ang sitwasyon ng AshMatt sa ibang magsing-irog.

Unang-una, walang Divine intervention na magde-demand ng pre-nup... magge-gatecrash at manggugulo sa wedding reception.

NOEL FERRER

Taking from the AshMatt tandem na nagtagumpay pagkatapos dumaan ng mga pagsubok, sana ganito rin.

Nawa’y maging maganda ang ending nina Arjo at Maine, na alam nating ipinaglalaban ang pagmamahalan nila.

Continue reading below ↓

At alam mong hindi nila ipaghahalo ang trabaho at personal na buhay, kaya tunay na kahanga-hanga!

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories

Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Arjo Atayde on wedding plans with Maine Mendoza: “We’re not wasting each other's time naman. But… I’d rather not talk about… when it’s about to happen."
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results