Andrea at Benjamin, tampok sa Magpakailanman; Sid at Gelli, bida sa MMK

by PEP Troika
Feb 27, 2020
Andrea Torres and Benjamin Alves (left) are the featured stars in Magpakailanman's episode this Saturday, February 29, about a woman who fell in love with a gangster. In MMK, Sid Lucero (right) plays an artist who drew a mural of late NBA player Kobe Bryant.
PHOTO/S: GMA-7 / ABS-CBN

JERRY OLEA

Mai-in love ka ba sa isang lalaking mukhang sanggano at tambay sa kanto?

O naniniwala ka na, “Basta gangster, sweet lover”?

Tunghayan ang maaksyong pagmamahalan nina Aira (Andrea Torres) at Ador (Benjamin Alves) sa Magpakailanman sa Pebrero 29, Sabado, pagkatapos ng Daddy’s Gurl sa GMA-7.


Naaalala ba ninyo ang dambuhalang mural sa isang tenement sa Taguig para pagpugayan ang mag-amang sina Kobe at Gianna Bryant?

Continue reading below ↓

Mas makikilala natin si Jerry Gabo, ang lead artist ng Tenement Visual Group, dahil itatampok ang kanyang istorya sa Maalaala Mo Kaya sa Sabado, pagkatapos ng The Voice Teens sa ABS-CBN.

Si Sid Lucero ang gaganap na Jerry, at ang pumapel na asawa niya ay si Gelli de Belen.


Continue reading below ↓

NOEL FERRER

I like Gelli de Belen’s status—a freelancer who can dabble through networks nang walang kumplikasyon.

Katatapos lang niya ng teleserye sa GMA-7, 'tapos, heto siya ngayon sa MMK ng Kapamilya network.

Paano nagaganap ito? Kasi, aside from she delivers (Urian Best Actress si Gelli), she is also a darling to work with.

Kaya kahit saan pa siya mapadpad, people like Gelli will always thrive.

Sabi nga ni Uge (Eugene Domingo), hindi lahat ng tumatawid, namamatay!

Isa na si Gelli roon!

GORGY RULA

Tingnan natin kung pasok si Andrea sa televiewers na hindi si Derek Ramsay ang ka-partner niya.

Pero lalong tumitindi ang labanan ng mga programa ng dalawang higanteng network sa weekend.

Patuloy pa ring mataas ang primetime edition ng Wowowin.

Malakas pa rin ang The Voice Teens, pinapalakas pa ang Daig Kayo ng Lola Ko na papasok na rin ang bagong episode.

Sayang lang dahil ito pa naman ang first appearance ni Kisses Delavin sa GMA-7.

Continue reading below ↓

Tingnan natin kung paano nila tanggapin ang bagong programa ni Vice Ganda pagkatapos ng GGV.

Dahil mainit na pinag-uusapan ang "franchiserye," parang nakatutok na rin ang mga manonood kung ano ang mangyari sa Kapamilya network.

Kaya parang nakakatulong sa mga programa nila itong isyu ng ABS-CBN.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Andrea Torres and Benjamin Alves (left) are the featured stars in Magpakailanman's episode this Saturday, February 29, about a woman who fell in love with a gangster. In MMK, Sid Lucero (right) plays an artist who drew a mural of late NBA player Kobe Bryant.
PHOTO/S: GMA-7 / ABS-CBN
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results