Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now

Us Again, umabot ba sa P1M ang kinita sa first day?

by PEP Troika
Feb 27, 2020
Us Again nina RK Bagatsing at Jane Oineza, nagbukas sa mahigit 150 sinehan kahapon, February 26.
PHOTO/S: Regal Entertainment, Inc.

JERRY OLEA

Iba’t ibang klase ng pelikula mula sa iba’t ibang bansa ang nag-open sa local cinemas nitong Pebrero 26, Miyerkules.

Sci-fi thriller ang The Invisible Man (2020) na co-prod ng US at Australia.

Martial arts film mula sa China ang Ip Man 4: The Finale (2019).

Romance drama mula sa Taiwan ang More than Blue (2018), na remake ng 2009 South Korean film of the same title.

Comedy mula sa Thailand ang Tootsies & The Fake.

Film adaptation ng anime series ang Hell Girl (2019) mula sa Japan.

At handog ng Regal Films ang Us Again, na bida ang tambalan nina Jane Oineza at RK Bagatsing.

More than 150 cinemas ang pinagpalabasan nito, tweet ng Regal.

Sana, more and more ang pa-block screenings ng fans nina Jane at RK. O kaya, manood sila ng nasabing movie again and again!

NOEL FERRER

Tuloy ang tagtuyot sa takilya ng pelikulang Pilipino.

Continue reading below ↓

Nang tanungin ko ang contact ko kung umabot man lang sa P1M ang opening day gross ng Us Again, ang one-word answer ay “Waley!”

Hayyy, kawawang pelikulang Pilipino!

GORGY RULA

Puwede pang umariba sa takilya ang Us Again sa weekend dahil mukhang pang-mature ang audience nito.

Kakaiba ang kuwento nito na sana, wala raw spoiler, sabi ng lead actor nitong si RK Bagatsing.

“It’s something din na gusto nating iano sa mga ginagawa nating pelikula na outside the box, di ba?” pakli ni RK.

“Sa sobrang excited ko, pigil na pigil na ako magkuwento na parang gusto ko na talagang i-share,” sabi naman ng lead actress nitong si Jane Oineza.

Suportado sila ng mga kaibigan nila sa Kapamilya network na dumalo sa premiere night noong Lunes, February 24.

Meron daw mga block screening na naka-schedule na suportado rin ng iba pa nilang kaibigan.

Kahit ang baguhang si Sarah Edwards ay solid din ang support ng showbiz friends niya, pati ang classmates sa workshop nila, at isa roon si Jimwell Pacquaio na pinagdududahang pumuporma sa dalaga.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories

Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Us Again nina RK Bagatsing at Jane Oineza, nagbukas sa mahigit 150 sinehan kahapon, February 26.
PHOTO/S: Regal Entertainment, Inc.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results