Unaired interview ni Vice Ganda kay Sarah Geronimo, gawin kayang finale episode ng GGV?

by PEP Troika
Feb 27, 2020
Interbyu ni Vice Ganda kay Sarah Geronimo noong Miss Granny promo, hindi umere dahil hinarang ni Mommy Divine. Posible kayang iere sa finale ng GGV? Or gawan kaya ng bagong interbyu sa newlywed couple na sina Sarah at Matteo Guidicelli?
PHOTO/S: @praybeytbenjamin / @matteog Instagram

JERRY OLEA

May Gandang Gabi Vice (GGV) pa sa Linggo, Marso 1, sa ABS-CBN.

Ito na kaya ang inaabangang guesting ni Idol Raffy Tulfo?

Ikinakasa na ang bagong show ni Vice Ganda na kapalit ng GGV—ang Everybody Sing.

Ang wish ko na maging finale ng GGV, interbyu ni Vice kina Mr. and Mrs. Guidicelli—o ang newlyweds na sina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli.

Di ba, iyong interbyu ni Vice kay Sarah para sa promo ng pelikulang Miss Granny (na ipinalabas noong Agosto 22, 2018) ay hindi umere dahil sa Divine Intervention?

Curious ako kung anu-ano ang pahayag noon ni Sarah patungkol kay Matteo.

If ever, may haharang pa ba o magwo-walkout kung magtsitsikahan muli sina Vice at Sarah?

NOEL FERRER

Ay, oo nga!

Sana, yun na ang maging special “farewell” episode ng GVV—ang unaired episode ni Sarah G!

Pero hindi ba binayaran ang cost ng non-airing nito?

Sana nga, maipalabas ito, ngayong legal nang nakalaya si Mrs. Guidicelli!

Continue reading below ↓

What do you think?

GORGY RULA

Si Ivana Alawi lang ang guest ni Vice Ganda noong nakaraang Linggo.

Mataas ang rating niyon dahil ang dami talagang interesado sa bagong sexy star na ito ng ABS-CBN.

Kaya sa darating na Linggo pa ang episode ni Raffy Tulfo.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Ang isa pang narinig ko, hindi pa raw talaga ready ang Everybody Sing, kaya umurong ng isa pang linggo.

Mukhang kinakarir nila ang pagpapaganda nito.

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Interbyu ni Vice Ganda kay Sarah Geronimo noong Miss Granny promo, hindi umere dahil hinarang ni Mommy Divine. Posible kayang iere sa finale ng GGV? Or gawan kaya ng bagong interbyu sa newlywed couple na sina Sarah at Matteo Guidicelli?
PHOTO/S: @praybeytbenjamin / @matteog Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results