Lorna Tolentino, umaasang magkaayos sina Coco Martin at Robin Padilla

by PEP Troika
Feb 28, 2020
Lorna Tolentino on Coco Martin-Robin Padilla issue: "Sana merong tao na puwedeng pumagitna sa kanila, para bumukas ang isip nila at magkaintindihan."
PHOTO/S: Gorgy Rula

GORGY RULA

Wala palang kamalay-malay si Lorna Tolentino sa mainit isyu sa FPJ’s Ang Probinsyano, kaugnay sa pasabog ng pinsan niyang si Robin Padilla laban kay Coco Martin.

Hindi raw kasi nila ito napag-uusapan iyan sa set kapag nagti-taping sila dahil naghahabol sila ng mga eksenang dapat makunan.

Kaya nang napag-usapan ito sa mediacon ng Beautederm nitong Pebrero 27, Huwebes, sa Annabel’s restaurant, Quezon City, nagulat siya nang ikuwento namin ang isyu.

Wala raw siyang nakita sa set na nagbabasaan ang mga crew at ilang artista. Matagal na rin daw silang hindi nagkakasama sa set ni Coco.

Pero kung meron man daw ganoong laro o biruan, hindi na raw naiiwasan minsan.

“Noong araw pa, meron ding ganoong laro na may spray ng tubig na naninigarilyo ka, hindi mo alam na basa na pala ang sigarilyo mo.

“May mga ganoong biruan talaga noong araw. Basta, wala lang sakitan. Wala lang may masasaktan,” pakli ni Lorna.

Continue reading below ↓

Dito sa isyu nina Robin at Coco, umaasa siyang magkakaayos ang dalawa.

Basta meron lang daw mamagitan na pakikinggan ng dalawang aktor.

“Lahat naman na mga away ng mga artista sa showbiz, later on, merong pagbabati.

"Kasi, iisa lang ang linya ng trabaho ninyo, e. So, nagkakaintindihan naman.

“Sa ngayon siguro, hindi pa sila nagkakausap, pero magkakaintindihan din sila,” pahayag pa ni Lorna.

Kung buhay lang sana ang nasirang asawang si Rudy Fernandez, puwede itong tumayong peacemaker para pag-ayusin ang dalawa at magkalinawan.

“Sana merong tao na puwedeng pumagitna sa kanila, para bumukas ang isip nila at magkaintindihan,” saad pa ng aktres.

JERRY OLEA

Noong Mayo 11 last year sa pa-mediacon din ng Beautederm for Lorna sa Seda North Vertis, Quezon City, sinabi ng aktres na hanggang Setyembre 2019 ang kontrata niya sa FPJ’s Ang Probinsyano.

Anong petsa na?!

E, kasi naman, patuloy na namamayagpag sa Game of Ratings ang teleserye ni Coco—sa AGB NUTAM man o sa Kantar Media.

Continue reading below ↓

Sakaling magkasyos sina Coco at Robin, papayag kaya si Robin na mag-guest sa FPJ’s Ang Probinsyano?

NOEL FERRER

She’s sooooo bad that she is sooooo good!

Napapanood ko siya, at ang galing-galing talaga ni Lorna sa role niya sa FPJ’s Ang Probinsyano.

Ayaw ko pa siyang mawala at mamatay sa show.

Huwag niyang naisin iyon dahil magaling siya at mas lalong kaabang-abang ang show dahil sa maraming interesanteng subplot, katulad ng nangyayari sa kanila sa Palasyo.

Congrats, LT! Proud ako na kahit sa endorsements, you continue to reinvent yourself!

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Lorna Tolentino on Coco Martin-Robin Padilla issue: "Sana merong tao na puwedeng pumagitna sa kanila, para bumukas ang isip nila at magkaintindihan."
PHOTO/S: Gorgy Rula
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results