Aktres, wagi pa rin kahit may ibang karelasyon ang mister na actor-politician

by PEP Troika
Feb 28, 2020
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan

JERRY OLEA

“Ako ang nagwagi/Naitago ko ang damdamin kong sawi/Sinong magsasabing ito ay mali?/ Kahit alaala ka bawat sandali”

Paboritong kanta ito ng gandarang aktres, na hiwalay sa dakilang actor-politician.

Kasal sila at may mga supling.

Hindi nagkukulang ang dakilang actor-politician sa responsibilidad niya sa mga anak.

Kumikirot ang puso ng gandarang aktres kapag nababalitaang idini-display ng dakilang mister ang bago nitong pag-ibig—isang aktres na maalindog.

Sariwa, makatas at yayamanin!

Batid ng mga kapwa-pulitiko kung ano sa puso ng dakilang actor-politician ang sariwang aktres.

Ayaw magmukmok ng gandarang aktres. Nagpakaaktibo siya sa isang samahan ng mga asawa ng politicians.

Present ang gandarang aktres sa lahat ng meeting at aktibidades, na tila ba ipinamumukha sa sariwang aktres, “Ako legal wife!”

At sa karaoke, ibinubuhos ng gandarang aktres ang damdamin sa awit ni Dulce: “Ako ang nagwagi/ Paglimot daw sa iyo'y ganyan kadali/ Naniniwala nga sila/ Na ako'y malaya na.”

GORGY RULA

Continue reading below ↓

Noted ang pagiging dakila ni actor-politician kaya ang gaganda ng mga na-involve sa kanya pagkatapos nilang maghiwalay ng kanyang asawang aktres.

Bago si sariwang sexy actress, matagal-tagal din ang relasyon ni actor-politician sa beauty queen-actress, at pati sa isang seksing singer.

Hindi ko alam kung sila pa rin nitong sariwang aktres dahil sobrang busy na nito at hot na hot siya ngayon.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Pero kahit na sino pa ang mga magagandang babaeng nakarelasyon ni actor-politician, si legal wife pa rin ang nakikita sa mga mahahalagang events.

Iba na talaga pag tunay na asawa!

NOEL FERRER

Alam kong alam na alam mo ang kadakilaan ng actor-politician dahil saksi ako sa closeness ninyo, at personal at may pagtatangi ka niyang tinawag at hinaplos sa isang presscon, Tito Jerry!

Oh well, makapangyarihan talaga ang actor-politician at walang kumikibo tungkol sa patuloy niyang relasyon sa sariwang aktres, na akala ko’y hiwalay na sa kanya.

May basbas mo ba ang tagong relasyong ito ng mahal mong actor-politician, Tito Jerry?

Continue reading below ↓
Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results