Snooky Serna, nag-leave sa Anak Ni Waray vs. Anak Ni Biday para sa FantasPorto

by PEP Troika
Feb 28, 2020
Snooky Serna, excited na i-represent ang "In The Name of The Mother" sa Porto Film Festival.
PHOTO/S: Screengrab from the In The Name of The Mother

JERRY OLEA:

Shout out ni Snooky Serna sa Facebook nitong Pebrero 27, Huwebes nang hapon, "Please pray for my safe trip going to the Porto Film Festival in Portugal. May it be the start of many more blessings to come! #InTheNameOfTheMother"

Ngayong Pebrero 28, Biyernes nang 7:50 a.m. ang flight ni Snooky pa-Portugal sakay ng Emirates Airline para dumalo sa Fantasporto 2020.

Gaganapin ang Porto Film Festival o FantasPorto mula Pebrero 25 hanggang Marso 7.

Ito ay 40th edition ng Porto International Film Festival, at kalahok ang pelikula ni Snooky na In The Name of the Mother.

Matagal na itong ipinagpaalam ni Snooky sa produksyon ng Kapuso primetime series na Anak ni Waray vs Anak ni Biday.

"Ipinagpaalam ko sa mga producer. I have to be there. Kasi, nominated kami. I have to represent...

"Excited ako, siyempre. Kasi, sa dinami-dami ng mga taon, at hindi naman sa pagmamalaki, awa ng Diyos, iyong places na napuntahan ko na, nakapunta na rin naman ako sa ibang mga bansa...

Continue reading below ↓

"Hindi ko pa napupuntahan ang Portugal, kaya thrilled na thrilled ako!"

Sinabi ito ng beteranang aktres sa mediacon ng nasabing teleserye noong Enero 21 sa GMA Network Center, Timog Ave., Quezon City.

Sabi ni Joel Lamangan na direktor ng In The Name of the Mother, dapat pumunta si Snooky sa Fantasporto.

"Baka manalo siya. Magaling siya doon!" bulalas ni Direk Joel nang nakatsika ko sa surprise birthday party ni Lovi Poe noong Pebrero 3 sa The Frazzled Cook restaurant, QC.

GORGY RULA:

Magkasama sina Snooky at Barbie Forteza bilang mag-ina sa Anak ni Waray Vs. Anak ni Biday.

Sayang lang at walang maikuwento si Barbie tungkol sa pagkapanalo niya sa “official section” ng Fantasporto 2016.

Hindi nakadalo si Barbie sa awards night noong tinanghal siyang Best Actress para sa pelikulang Laut.

Kaya malay natin, baka manalo si Snooky, dahil pinapunta siya sa roon sa Portugal.

Nakakatuwa dahil iba na talaga ang focus ni Snooky sa kanyang career.

Continue reading below ↓

Kaya lalo siyang gumagaling at pinupuri siya rito sa drama series nila sa GMA-7.

Ang dami nang nagme-message sa akin na gustung-gusto nila ang takbo ng kuwento ng Anak ni Waray vs. Anak ni Biday.

Tuwang-tuwa sila kapag nagkakaeksena sina Snooky at Dina Bonnevie.

Kaya malaking bagay talaga sa isang soap kapag magagaling ang veteran stars na major support sa young stars na bida.

NOEL FERRER:

Good luck sa In The Name Of The Mother sa pag-represent sa bansa natin sa Porto Film Festival.

Sana talaga, makatulong ito para magkainteres ang mga kababayan natin para all-out na suportahan ang pelikulang ito, pati na ang ibang Filipino films.

Sana talaga, hindi lang ang mga dayuhan ang maka-appreciate ng pelikula natin. Tayo dapat mismo!!!

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Snooky Serna, excited na i-represent ang "In The Name of The Mother" sa Porto Film Festival.
PHOTO/S: Screengrab from the In The Name of The Mother
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results