Watch Now

Philippine TV ratings: sa Kapamilya ang gabi, sa Kapuso ang hapon

by PEP Troika
Feb 29, 2020
FPJ's Probinsyano starring Coco Martin continues to reign in primetime television, while Prima Donnas starring Sofia Pablo, Jillian Ward, and Althea Ablan remains the No. 1 daytime program.
PHOTO/S: ABS-CBN / GMA-7

JERRY OLEA

Sa Kapamilya ang gabi, sa Kapuso ang hapon.

Iyan ang pahiwatig ng National TV Ratings (Urban + Rural) ng Kantar Media nitong Pebrero 24-27, Lunes hanggang Huwebes.

Wagi ang mga panggabing teleserye ng ABS-CBN na FPJ’s Ang Probinsyano, Make It With You, at A Soldier’s Heart.

Taob ang mga handog ng GMA Telebabad na Anak ni Waray vs Anak ni Biday, Descendants of the Sun, at Love of My Life.

Nanatiling No. 1 ang teleserye ni Coco, at bukod-tanging ito ang nasa line of 3.

Pero sa mga panghapong teledrama, nagpapakitang-gilas ang Siyete.

Noong Pebrero 24, LUNES, naka-14.8% ang It’s Showtime kontra sa 13.6% ng Eat Bulaga, 15.8% ng Magkaagaw, at 19.7% ng Prima Donnas.

Naka-13.5% ang Love Thy Woman, kontra sa 13.3% ng pilot episode ng Bilangin Ang Bituin Sa Langit.

Naka-12.7% ang Sandugo, naka-12.4% ang Flower Crew Dating Agency, at naka-19.0% ang Pamilya Ko, kontra sa 13.7% ng Wowowin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Noong Pebrero 25, MARTES, naka-15.2% ang It’s Showtime, kontra sa 14.1% ng Eat Bulaga, at 16.4% ng Magkaagaw.

Naka-12.6% ang Love Thy Woman, kontra sa 20.7% ng Prima Donnas.

Naka-11.7% ang Sandugo, kontra sa 12.2% ng Bilangin Ang Bituin Sa Langit.

Noong Pebrero 26, MIYERKULES, naka-13.9% ang It’s Showtime, kontra sa 13.4% ng Eat Bulaga, at 16% ng Magkaagaw.

Naka-12.1% ang Love Thy Woman, kontra sa 19.8% ng Prima Donnas.

Naka-10.7% ang Sandugo, kontra sa 12.3% ng Bilangin Ang Bituin Sa Langit.

Noong Pebrero 27, HUWEBES, naka-14.8% ang It’s Showtime, kontra sa 13.5% ng Eat Bulaga, at 15.3% ng Magkaagaw.

Naka-13.4% ang Love Thy Woman, kontra sa 18.4% ng Prima Donnas.

Naka-10.7% ang Sandugo, kontra sa 11.2% ng Bilangin Ang Bituin Sa Langit.

Kabog ang unang episode ng Bilangin Ang Bituin sa Langit noong Lunes kung saan katapat nito ang Love Thy Woman, pero nagningning ito nang mga sumunod na araw na katapat nito ang Sandugo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Wagi ang Magkaagaw at Prima Donnas mula Lunes hanggang Huwebes.

Iyong ratings ng Prima Donnas, mas mataas pa sa Kapuso primetime shows na Anak ni Waray vs Anak ni Biday, Descendants of the Sun, at Love of My Life.

Mula Lunes hanggang Huwebes ay No. 1 ang FPJ’s Ang Probinsyano, No. 2 ang TV Patrol, at No. 3 ang Make It With You sa pataasan ng ratings.

Sa Kapamilya ang Top 3!

Sa Kapuso ang No. 4 at No. 5, at nagkakapalit sila ng puwesto—24 Oras at Prima Donnas.

GORGY RULA

Namamayagpag nga ang panghapon ng Kapuso network, na sinimulan ng Eat Bulaga na palakas nang palakas ang rating.

Ayon sa AGB NUTAM, noong LUNES, February 24, ay 6.8% ang Eat Bulaga at 5.1% ang It’s Showtime.

Sinundan ng Magkaagaw na 7.1% at Prima Donnas na 8.8% laban sa Love Thy Woman na 5%.

Hindi gaanong maganda ang pasok ng Bilangin ang Bituin sa Langit na 5.1%, na slight na tinalo ng Sandugo na 5.3%.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bumawi ang Bilangin ang Bituin sa Langit noong MARTES, February 25, dahil naka-6% ito at pinadapa ang Sandugo na 4.9%.

Nanatiling malakas pa rin ang Eat Bulaga na naka-8.1%, at dumapa nang husto ang It’s Showtime na 5.8% lamang.

Umariba lalo ang Magkaagaw na naka-8.1%, at lalong bumongga ang Prima Donnas na 10.2% laban sa Love Thy Woman na 5.1% lamang.

Noong MIYERKULES, February 26, ay malakas pa rin ang Eat Bulaga na 7.1% versus It’s Showtime na 4.4%.

Mataas pa rin ang Magkaagaw na 7.7%, lalo na ang Prima Donnas na 8.8% versus Love Thy Woman na hilahod sa 4.6%.

Consistent na ring mataas ang Bilangin ang Bituin sa Langit na 5.5% laban sa Sandugo na 4.4%.

Noong HUWEBES, February 27, naka-7.3% ang Eat Bulaga laban sa It’s Showtime na 5.2%.

Sumunod ang Magkaagaw na 7.3%, at 8.3% naman ang Prima Donnas. Samantala, 5.2% lamang ang Love Thy Woman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Naka-5.1% ang Bilangin ang Bituin sa Langit, na hindi na naabot ng Sandugo na 4.4% lamang.

May inilabas namang announcement ang GMA-7 kahapon, February 28, na simula Lunes, March 2, ay magpapalit na ng timeslot ang Anak ni Waray vs Anak ni Biday at ang Descendants of the Sun.

Mauuna na ang Descendants of the Sun sa GMA Telebabad.

Susundan na ito ng Anak ni Waray vs Anak ni Biday, then Love of My Life, at ang Koreanovelang Angel’s Last Mission.

NOEL FERRER

Ang tanong: nakaapekto kaya sa It’s Showtime ang kapalpakan sa kanilang "Piling Lucky" portion recently?

At kung ganoon ang ratings ng Love They Woman at Sandugo, hanggang kailan kaya ang itatagal nila sa ere?

Malalaman natin ito sa takdang panahon!

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
FPJ's Probinsyano starring Coco Martin continues to reign in primetime television, while Prima Donnas starring Sofia Pablo, Jillian Ward, and Althea Ablan remains the No. 1 daytime program.
PHOTO/S: ABS-CBN / GMA-7
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results