Ai-Ai delas Alas, may di magandang karanasan noon kay Mommy Divine dahil sa T-shirt ni Sarah

by PEP Troika
Mar 1, 2020
Ai-Ai delas Alas on Sarah Geronimo's secret wedding to Matteo Guidicelli: "Hayaan na natin sa kaligayahan niya si Sarah. Kasi, 31 na si Sarah, e. And I think, lahat na tulong niya sa pamilya niya, nagawa niya. And it’s time na bigyan si Sarah ng kaligayahang para sa kanya." Ai-Ai and Sarah played mother and daughter in the 2006 ABS-CBN drama series Bituing Walang Ningning.
PHOTO/S: Gorgy Rula / Facebook

GORGY RULA

Masaya si Ai-Ai delas Alas sa pagpapakasal ni Sarah Geronimo kay Matteo Guidicelli.

Nakasama noon ni Ai-Ai si Sarah sa sineserye ng ABS-CBN na Bituing Walang Ningning (2006), kung saan gumanap silang mag-ina.


“Mabait si Sarah’ng anak. Mabait si Sarah’ng kapatid. Basta, mabait si Sarah,” pahayag ng Kapuso Comedy Queen.

Continue reading below ↓

“Pero alam niyo naman, Mommy Divine is Mommy Divine.”

“Of course!” ang mabilis na sagot ni Ai-Ai nang tinanong siya ni Allan Diones kung na-meet ba niya si Mommy Divine.

“Ano ka ba?! Pero dumating na time na nagkaanuhan kami...

"Pero okay naman. Wala na yun, matagal na yun!” bawi ni Ai-Ai.

Kinulit siya ng PEP Troika kung ano ang namagitan sa kanila noon ni Mommy Divine.

Sa huli ay napilit namin si Ai-Ai, at sinabing napagbintangan pala sila noong kinuha ang T-shirt ni Sarah.

“Hindi naman sumama ang loob. Medyo na-off lang ako nang konti, pero noon pa yun.

"Kasi, nawala yung T-shirt ni Sarah, napagbintangan niya na kami ang kumuha. Nakakaloka, ‘Day!” natatawa niyang kuwento sa amin.

Pinahalughog daw ang van ni Ai-Ai para alamin kung nandoon ang nawawalang T-shirt ni Sarah.

Nilinaw ni Ai-Ai na hindi mismo si Mommy Divine ang nagpahalughog sa van niya, kundi ang dating assistant ni Sarah.

Continue reading below ↓

Ang Ate Joanne lang daw ni Ai-Ai ang nandoon sa van nila, dahil umalis na raw siya para makahabol magsimba sa Baclaran.

“Yung ate ko ang nandoon. Kaya ang ate ko, si Ate Joanne, ang tawag niya kay Mommy Divine, 'Best friend Divine.'

“Siya ang nag-explain na wala sa amin,” sabi pa ni Ai-Ai.

Hiningan din namin si Ai-Ai ng sariling pananaw sa isyung ito nina Sarah at Mommy Divine.

Saad niya, “Alam niyo, bilang nanay, ako, may anak akong babae, si Sophia.

“Lahat naman kaming mga ina, bukod sa protective, wala naman kaming hinahangad na masama para sa mga anak namin.

“Kaya lang, pag nasa edad na, puwedeng go na. Parang move on na tayo.

"Hayaan na natin sa kaligayahan niya si Sarah. Kasi, 31 na si Sarah, e.

“And I think, lahat na tulong niya sa pamilya niya, nagawa niya.

"And it’s time na bigyan si Sarah ng kaligayahang para sa kanya,” saad ni Ai-Ai nang nakapanayam namin nitong February 29, Sabado, sa opening ng bagong branch ng Shinagawa Lasik and Aesthetics sa ORE Central Building, 9th Ave., BGC, Taguig City.

Continue reading below ↓

Masaya si Ai-Ai na si Matteo Guidicelli ang napangasawa ni Sarah.

“Mabait si Matteo, at mayaman!” bulalas ni Ai-Ai.

“Si Matteo, may mga bodyguards ‘yan dati, e.

"Isa sa bodyguards ni Matteo noon-noon pa ay father-in-law ko," pagtukoy niya sa ama ng kanyang asawa na si Gerald Sibayan.

“E, di ba, Army siya? Ang family ni Gerald, sundalo?

“Nakakatawa nga, may konek, di ba?”

Hiningan din namin si Ai-Ai ng payo para sa bagong kasal.

Aniya, “Ang advice ko sa kanila is, put God in the middle of their relationship.

"Kasi, hindi tayo magkakamali kapag parati kayong nagpi-pray.

“Since Christian sila, parati silang um-attend sa Christian Fellowship nila, yung ganun.”

Dala ni Ai-Ai sa event ng Shinagawa ang anak niyang si Sophia, dahil papa-check up niya ito kung kailangan na bang ipa-Lasik ang mata nito.


Continue reading below ↓

Kasama ni Sophia ang boyfriend niya, at hindi pinapakialaman ni Ai-Ai kung sino ang gusto ng kanyang anak.

Papasukin na rin ni Sophia ang pag-aartista, kaya binibiro ito ni Ai-Ai na tiyak na itatago na ng anak ang boyfriend kapag nag-artista na siya.

NOEL FERRER

Naalala ko ang experience ni Ai-Ai kay Mommy Divine tungkol sa nawawalang undergarment daw ng Popstar.

Wala kay Sarah iyon, pero ang mommy raw niya ang nagpahalughog ng mga gamit at maleta ng co-stars ng naturang teleserye.

Ang tanging nasabi lang ni Ai-Ai noon, according to the staff: “Sa tingin ninyo, magkakainteres ako doon? Teka lang, magka-size ba kami ni Sarah?”

Hayyyy, yun na!!!

Hindi naman siguro gagawin ni Ai-Ai iyan kay Sophia kung sakali! LOL!

JERRY OLEA

Magsisiwalat pa ba si Mommy Divine ng kanyang saloobin?

Tuloy ba ang wedding reception nina Sarah at Matteo para sa mga kaibigang celebrities?

May wedding pa ba sa Italy? O honeymoon na lang?

Continue reading below ↓

E, iyong renewal of vows nina Mommy Divine at Daddy Delfin?

Mabubuntis kaya agad-agad si Sarah?

Hanggang kailan ang Divineserye?

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ai-Ai delas Alas on Sarah Geronimo's secret wedding to Matteo Guidicelli: "Hayaan na natin sa kaligayahan niya si Sarah. Kasi, 31 na si Sarah, e. And I think, lahat na tulong niya sa pamilya niya, nagawa niya. And it’s time na bigyan si Sarah ng kaligayahang para sa kanya." Ai-Ai and Sarah played mother and daughter in the 2006 ABS-CBN drama series Bituing Walang Ningning.
PHOTO/S: Gorgy Rula / Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results