First batch ng Pista ng Pelikulang Pilipino entries, sa March 20 na ang deadline

by PEP Troika
Mar 2, 2020
Pinoy films na hindi pasok sa 1st Summer MMFF, puwede bang ipasa sa 4th PPP?
PHOTO/S: PPP 4
ILLUSTRATION: Rachelle Siazon

JERRY OLEA

Level up ang 4th Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) na gaganapin sa Setyembre 11-17, 2020.

Gaya ng nakaraang taon, sampung pelikula ang kalahok dito na ipalalabas sa 900+ sinehan ng bansa.

Sa Marso 20 ang deadline ng pagsusumite ng mga pelikulang nasa advanced stage of development or production stage, kung saan apat ang mapipili.

Sa Hunyo 15 ang deadline ng pagsusumite ng mga pelikulang tapos na, o patapos na sa post-prod.

Anim sa mga ito ang pipiliin.

Mag-aalok sa PPP 4 ng co-production funds na hanggang PHP2M sa pamamagitan ng Philippine Co-Production Fund (PCOF).

Ang PPP 4 ay organized ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) sa pakikipagtulungan ng Cinema Exhibitors Association of the Philippines (CEAP).

Ang STUDENT admission price during the September film fest sa Metro Manila cinemas ay PHP180, at sa provincial theaters ay PHP130.

Ang opening day ng PPP 4 ay sa September 11, 2020—o huling araw ng year-long Philippine Cinema Centennial celebration as mandated by Presidential Proclamation No. 622, Series of 2018.

Continue reading below ↓

Para sa mga katanungan tungkol sa pagsusumite ng kalahok at iba pang impormasyon, makipag-alam sa PPP Secretariat c/o Film Development Council of the Philippines.

Ang tanggapan ng PPP Secretariat ay nasa 855 T. M. Kalaw Ext., Ermita, Manila, at ang contact number ay (02) 8256-9948 local 104.

NOEL FERRER

May patakaran ba ang PPP na iyong mga hindi mapipili sa Summer MMFF ay puwede nilang tanggapin? Pati na yung rejects ng Sinag Maynila at iba pang festival?

Sa Summer MMFF kasi, may 24 full-length films na isinumite for consideration at walo lang ang mapipili.

Ihahayag na ngayong Marso 2, Lunes ng hapon, ang official entries, kaya puwedeng-puwedeng isali ang mga natira rito for PPP.

Then, iyong pelikula ni Direk Jay Altarejos na Walang Kasarian Ang Digmang Bayan na naligwak sa Sinag Maynila (Marso 17-24), baka puwede rin sa PPP.

Iba’t ibang panlasa naman ang iba’t ibang film festivals. Basta makakatulong sa pelikulang Pilipino, support tayo!!!

Continue reading below ↓

GORGY RULA

Bago kaya matapos ang Philippine Cinema Centennial Celebration ay maisasatupad na ang paglipat ng playdate sa araw ng Biyernes?

May naririnig kasi akong pinu-push pa rin ito ng ilang producers.

At least, unti-unti nang pina-practice ang 16 working hours ng production crew at staff.

Kaugnay ito ng mas maayos na working conditions sa paggawa ng mga pelikula at teleserye, alinsunod sa joint memo ng FDCP at Department of Labor and Employment.

Kaya may mga pagbabago talaga kasabay ng pagdiriwang ng 100 Years of Philippine Cinema.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pinoy films na hindi pasok sa 1st Summer MMFF, puwede bang ipasa sa 4th PPP?
PHOTO/S: PPP 4
ILLUSTRATION: Rachelle Siazon
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results