First summer MMFF, alin kaya sa entries ang tatabo sa takilya?

by PEP Troika
Mar 2, 2020
Big stars ng ABS-CBN at GMA-7, tampok sa Magic 8 ng first summer Metro Manila Film Festival mula April 11 to April 21.

JERRY OLEA

Isang aksyon, isang horror, dalawang family drama, at apat na romance films ang official entries ng 1st Summer Metro Manila Film Festival (MMFF) sa Abril.

Llamadong mag-topgrosser ang maaksyong A Hard Day na pinagbibidahan nina Dingdong Dantes at John Arcilla, mula sa Viva Communications.

Pinoy version ito ng 2014 South Korean film of the same title.

E, di ba, topgrosser ng nakaraang MMFF ang Miracle in Cell No. 7, na iprinodyus ng Viva, at base rin sa isang South Korean blockbuster movie of the same title?

Ligwak sa 45th MMFF ang Isa Pang Bahaghari at Tagpuan noong December, pero pasok ang mga ito sa 1st Summer MMFF.

Tampok sa Isa Pang Bahaghari sina Nora Aunor, Phillip Salvador, Michael de Mesa, Zanjoe Marudo, Joseph Marco, at Sanya Lopez.

"Pang-summer ang beauty ni Mama Guy!" sabi ni Direk Joel Lamangan.

The day before ay nag-pictorial ang cast ng Isa Pang Bahaghari, at ang saya-saya roon ni Nora.

Continue reading below ↓

Bida sa Tagpuan sina Iza Calzado, Alfred Vargas, at Shaina Magdayao. Nag-shooting ang movie sa New York City at Hong Kong.

Sasabak naman si Senador Jinggoy Estrada sa heavy drama na Coming Home, na kasama rin sa cast sina Sylvia Sanchez, Edgar Allan Guzman, Shaira Cruz, Martin del Rosario, Ara Arida, Vin Abrenica, at Samantha Lopez.

Maglalaban pala ang magkaibigang Phillip at Jinggoy sa pagka-best actor.

Kung suporta lang si Joseph Marco sa Isa Pang Bahaghari, bidang-bida siya sa horror movie ng Regal na The Missing.

Co-stars ni Joseph sina Ritz Azul at Miles Ocampo.

Trailer pa lang ng Love or Money ay kilig-kiligan na ang tandem nina Coco Martin at Angelica Panganiban.

Matapos makatambal si Louise de los Reyes sa Hanggang Kailan, at si Cristine Reyes sa Untrue, may bagong leading lady si Xian Lim—si Alex Gonzaga sa Love The Way U Lie.

Lotlot si Lotlot de Leon dahil hindi nakapasok ang Mang Kepweng 2: Ang Lihim ng Bandanang Itim kung saan kasali siya.

Continue reading below ↓

Pero Winwyn ang daughter niyang si Janine Gutierrez na leading lady ni Paulo Avelino sa Ngayon Kaya.

Kaya ba ninyo iyan, mga bes?!

GORGY RULA

Base sa trailers ng walong pelikulang pasok sa 1st Summer MMFF, magaganda lahat ng entries.

Ramdam kong mas maganda ang mga ito kaysa sa ilang pelikulang nakapasok sa 45th MMFF noong nakaraang Kapaskuhan.

Kaya halos iisa ang obserbasyon ng ilang taga-media na dapat finished films na talaga ang isa-submit at huwag script lang.

Madalas kasing nangyayari, ang ganda-ganda ng script, pero pagdating sa pelikula, naiiba na depende sa execution ng direktor.

Kaya mas excited ako dito sa pang-summer na MMFF dahil parang ang gaganda ng walong pelikulang kalahok.

Sa April pa ang film fest, at medyo nangangamba ang karamihan dahil baka may scare pa rin iyan sa COVID-19.

Sabi ni MMDA Chairman Danny Lim, "Ang mga Pilipino naman, mahilig manood ng sine, e.

"So, palagay ko, tatangkilikin pa rin ito ng mga kababayan natin, kahit may mga ganyang problema on the side.

Continue reading below ↓

"Lalo na at kauna-unahang summer filmfest natin ito, naniniwala akong tatangkilikin ito ng mga manonood natin."

NOEL FERRER

"Iba kung napapanood namin ang buong pelikula, dahil napapanood namin ang ipapanood sa mga tao," sabi ng isa sa Selection Committee members ng 1st Summer MMFF.

Ang criteria sa pagpili: Artistic Merit (40%), Commercial Viability (40%), Promotion Of Filipino Values (10%), at International Appeal (10%)

"Makabuluhan at hamon para higitan ng December MMFF itong kalidad ng entries sa Summer MMFF," sabi ng ating inampalan.

Excited ako sa walong official entries.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Big stars ng ABS-CBN at GMA-7, tampok sa Magic 8 ng first summer Metro Manila Film Festival mula April 11 to April 21.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results