Coco Martin vs Dingdong Dantes: from primetime TV to summer filmest

by PEP Troika
Mar 2, 2020
Coco Martin (kaliwa) at Dingdong Dantes, magkatapat muli sa primetime drama at magtatapat muli sa 1st Metro Manila Summer Film Festival.

JERRY OLEA

Magkatapat na sa primetime TV ang FPJ’s Ang Probinsyano ni Coco Martin at Descendants of the Sun ni Dingdong Dantes, umpisa nitong Marso 2, Lunes ng gabi.

Earlier nang araw na iyon, inihayag sa Novotel Hotel, Araneta City, Quezon City na pasok sa 1st Metro Manila Summer Film Festival ang romcom nina Coco at Angelica Panganiban na Love or Money, at ang hard action na A Hard Day nina Dingdong at John Arcilla.

Hindi lang pagiging topgrosser sa takilya ng 1st Summer MMFF ang paglalabanan nina Coco at Dingdong, kundi pagiging best actor.

Team Coco o Team Dingdong ka ba?

Palaban din sa pagiging best actor ang matalik na magkaibigan na sina Jinggoy Estrada at Phillip Salvador.

Parehong family drama ang kani-kanyang entry na Coming Home at Isa Pang Bahaghari, respectively.

Base sa trailers ay may pagkakahawig ang kanilang role bilang ama na bumalik sa pamilya, pero hindi tanggap ng mga anak.

Continue reading below ↓

Siyempre pa, ang kani-kanyang asawa ay mahigpit ding magkalaban sa pagiging best actress—Sylvia Sanchez sa Coming Home at Nora Aunor sa Isa Pang Bahaghari.

Ano kaya kung kabugin sila ng apo ni Nora na si Jenine Gutierrez, ang bidang babae sa Ngayon Kaya?

Kaya rin silang pataubin ni Angelica Panganiban sa Love or Money. O kaya nina Shaina Magdayao at Iza Calzado sa Tagpuan?!

GORGY RULA

Masyado pang maaga para pag usapan iyan.

Nakakatuwa lang dahil magaganda ang mga pelikulang kalahok sa 1st Metro Manila Summer Film Festival.

Naka-text ko nitong Lunes ng hapon si Dingdong Dantes, at lalo siyang na-excite sa pelikula niyang A Hard Day.

Proud na proud siya sa pelikulang ito dahil ibang-iba raw siya rito. Ang ganda raw ng kabuuan ng movie and engaging ang kuwento.

Kaya lalo siyang natuwa nang ibinalita kong pinuri nang husto ang trailer nito.

“Solid hahaha! Exciting!" text back ni Dingdong sa akin.

Continue reading below ↓

NOEL FERRER

April 13 Easter Monday ang Awards Night sa New Frontier Theater.

More than the awards, masaya kaming maraming nagsasabing maganda ang selection sa unang Summer MMFF.

Again, as I always say, we put our money where our mouth is.

Tangkilikin natin ang magagandang pelikulang Pilipinong ihahain ngayong Summer!!!

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Coco Martin (kaliwa) at Dingdong Dantes, magkatapat muli sa primetime drama at magtatapat muli sa 1st Metro Manila Summer Film Festival.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results