Yummylicious na aktor, nakipagbalikan sa gay benefactor

by PEP Troika
Mar 3, 2020
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan

JERRY OLEA

Pinag-agawan ng mga yayamaning bading ang yummylicious actor na winner sa isang reality contest.

Ang nakabingwit sa puso ni yummylicious actor ay negosyanteng fortysomething, na sa gawi at hitsura ay hindi mo aakalaing may dugong-sirena.

Generous at discreet ang non-showbiz na bading, kaya ganap na tinumbasan ni yummylicious actor ang pag-aaruga at pagmamahal nito sa kanya.

Pero hindi nagtagal ang kanilang pagsasama.

Nakarating iyon sa kaalaman ng mga diyos-diyosan ng network kung saan nakakontrata ang yummylicious actor.

Napilitan ang yummylicious actor na kumalas sa gay benefactor alang-alang sa pagsulong ng kanyang career.

Nagpakasigasig sa trabaho ang yummylicious actor. Nagpakasipag. Pinairal ang pagiging professional.

Ang kanyang sakripisyo, sinuklian ng tagumpay.

Ang TV series na pinagbibidahan niya, winner sa ratings.

Hinanap-hanap ng yummylicious actor ang pagkalinga ng yayamaning bading. Nakipagbalikan siya rito.

Ewan kung na-inspire ang yummylicious actor sa love story nina Vice Ganda at Ion Perez, pero handa na siyang ipaglaban ang bading na nagregalo sa kanya ng tatlong kotse at dalawang motorsiklo.

Continue reading below ↓

Nakatira ngayon ang yummylicious actor at ang kanyang mga magulang sa isang mansion na pag-aari ng yayamaning bading.

NOEL FERRER

Hadlang ba sa kasikatan ng yummylicious young actor ang pagkakaroon ng ganitong relasyon?

Magandang makita kung ano ang gagawin ng network na nag-aalaga sa young actor.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Paano naman ang kaibigan nitong member ng press na para ring Ina Ng Laging Saklolo?

Di ba’t may sarili itong puwang sa puso ng yummylicious hunk actor?

Sana, more than his relationship, makilala pang lalo ang hunk actor sa kahusayan niya sa pag-arte.

GORGY RULA

Paborito itong si hunk actor ng ilang big bosses ng TV network dahil nakikita nilang may future ito sa career na pinasok.

Kaya iniingatan sana nilang hindi ito masangkot sa ganoong intriga.

Hindi lang talaga siguro makatanggi itong si hunk actor sa kaway ng magagandang perks na iniaalay sa kanya.

May isa pang mujeristang bading na type na type din si hunk actor, at may balak din sanang pumasok sa eksena, pero pinagsasabihan na itong huwag na lang at mahirap banggain si gay benefactor.

Continue reading below ↓

Kaya nakipag-friends na lang si mujeristang bading kay hunk actor.

Darating ang araw na matatapos si hunk actor sa bahagi na iyon ng buhay niya.

And at the end of the day, nandiyan pa rin ang mga taong nagmamahal sa kanya na walang halong pagnanasa, gaya nitong kaibigan nating laging nakaalalay at hindi nagkulang sa pagpapayo sa hunk actor.

Huwag lang sanang umabot ito sa malaking eskandalo dahil may pagkaseloso si gay benefactor, at may pamilya ito.

Hindi pa yata malinaw kay misis na may ibang pagkatao ang mister niya paglabas ng kanilang bahay.

Paano pag nagkabukingan na?

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results