Darren Espanto, tinuldukan na ang pagkakaibigan nila ni JK Labajo?

by PEP Troika
Mar 3, 2020
Darren Espanto when asked if he's willing to forgive JK Labajo: “Ako po kasi, I’m very happy with everything what’s going on in my career. All those things na negative, I don’t like to dwell on it."
PHOTO/S: Gorgy Rula / Instagram

GORGY RULA

Humingi ng paumanhin si Darren Espanto sa PEP Troika na hindi niya puwedeng sagutin ang tungkol sa kasong isinampa niya laban kay JK Labajo.

May narinig kasi kaming kuwentong inaayos na raw sila sa korte.

Kaya nitong Marso 3, Martes ng tanghali, sa Luxent Hotel kung saan ginanap ang media launch niya bilang bagong endorser ng Beautederm, nilinaw namin sa kanya kung totoong may pag-aayos nga ba.

“Wala pa po akong puwedeng sabihin, e. Sorry po,” maingat na sagot sa amin ni Darren.

Wala rin siyang maibigay na detalye tungkol sa kaso, at kung saang level na ito.

Pero sinundan na rin namin ng tanong kung handa ba siyang makipag-collaboration kay JK kung sakali, at susubukan kaya niyang kantahin ang hit song nitong "Buwan."

“Ako, tama na yun, huwag na lang,” maingat na pag-iwas ni Darren.

Hindi rin bukas si Darren sa posibilidad na maging friends sila uli ni JK, dahil sinasabi niyang close pa rin siya sa ibang kasabayan nila sa The Voice Kids.

Continue reading below ↓

“We haven’t seen each other for years. So, I don’t know what he looks like.

“I mean, The Voice Kids… we were best friends.

"And then, a lot of people started telling me things that he started saying about me… like, after a few years na hindi kami nag-uusap.

“So, I don’t really know where that came from, and why he started doing it.

“At the moment, huwag na lang din,” saad niya.

Tila tinuldukan na niya ang friendship nila ni JK.

“Parte na ng past ko po,” pakli niya.

Hindi rin niya diretsahang masagot sa amin kung napatawad na ba niya si JK, o kung nakapag-move on na siya sa isyu nilang dalawa.

“Ako po kasi, I’m very happy with everything what’s going on in my career.

“All those things na negative, I don’t like to dwell on it.

"Kasi ako po, I have my family, I have all the supporter friends, that I couldn’t ask for more po talaga.

Continue reading below ↓

“So, those things po talaga… It’s not something that I really think about.

“Hindi po talaga yung something to dwell on it,” pahayag ni Darren.

Samantala, natutuwa si Darren na makakasama niya sa mga susunod na mall shows ng Beautederm ang iba pang brand ambassadors na hindi pa niya nakatrabaho, dahil nasa Kapuso network ang ilan sa kanila.

JERRY OLEA

Nasa husgado na ang isyu sa pagitan nina JK at Darren.

Hayaan nating tumakbo ang kaso.

Kung meron mang bumabagabag sa atin sa usaping ito, itanong na lang natin sa buwan.

NOEL FERRER

Talagang itutuloy ang kaso? Walang space para makapagtawaran?

Wala bang guild na puwedeng mamagitan sa dalawang singer na ito?

Baka naman cooler heads can mediate and prevail.

Korte na ba ang kailangang hantungan gayong magkakapatid ang mga ito sa iisang industriya?

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Darren Espanto when asked if he's willing to forgive JK Labajo: “Ako po kasi, I’m very happy with everything what’s going on in my career. All those things na negative, I don’t like to dwell on it."
PHOTO/S: Gorgy Rula / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results