Lorna Tolentino, parang Crash Landing On You ang pagmamahal sa yumaong mister na si Rudy Fernandez

by PEP Troika
Mar 3, 2020
Lorna Tolentino on the late Rudy Fernandez being her greatest love: "Wala nang papantay doon, e. Parang Crash Landing on You kami, e. Wala rin, e."
PHOTO/S: Gorgy Rula

GORGY RULA

Tuwang-tuwa si Lorna Tolentino sa pagdating nina Phillip Salvador at Robin Padilla sa Heritage Memorial Park nitong Marso 3, Martes ng hapon, habang nagmimisa para sa kaarawan ni Rudy Fernandez.

"Na-touch naman ako. Bigla kayong dumating. Matutuwa si Daboy tiyak," bulalas ni Lorna pagkatapos nilang basbasan ang puntod ni Kuya Rudy sa huling bahagi ng misa.

Galing sina Phillip at Robin sa isang event ni Senator Bong Go sa Montalban. Kaya nang nalaman ni Robin na tutuloy si Kuya Ipe sa Heritage, sumama na ito.

Matagal na raw gustong dumalaw ni Robin sa puntod ni Kuya Rudy. Mabuti at nabanggit daw sa kanya ni Kuya Ipe na dadalo ito sa misa para sa kaarawan ng namayapang aktor.


Continue reading below ↓

Kung buhay pa sana si Kuya Rudy, 68 years old na siya ngayon, at sinasabi ni Lorna na hindi nawawala ang pagka-miss niya sa asawa.

Sinasabi rin niyang wala na talagang puwedeng pumantay kay Kuya Rudy, kaya sarado na rin ang puso niya at malabo na siyang makipagrelasyon sa iba.

"Wala, e. Wala nang papantay doon, e. Parang Crash Landing on You kami, e. Wala rin, e.

"Sana, kung merong ganoong malinis, mabait, good provider. Wala, e."

Masaya na siya kasama ang mga anak niyang sina Ralph at Renz. Nae-enjoy rin ni Lorna ang nag-iisa niyang apo na si Tori.

Samantala, tinanong na rin namin si Lorna kung ano na ang balak niya pagkatapos niya sa FPJ’s Ang Probinsyano.

Nabanggit kasi noon ni Lorns sa mediacon niya sa Beautederm na hanggang end of March na lang siya bilang si Lily sa naturang teleserye.

Natatawa niyang sinabi sa akin na mai-extend na naman daw pala siya.

Continue reading below ↓

Sinabihan na raw siya noong huling taping na baka ma-extend siya hanggang Mayo.

Kung totoong hanggang Mayo na lang ito, ibig sabihin ba ay hanggang ending siya roon?

JERRY OLEA

Hindi nauubusan ng pagkakaabalahan si Lorna.

Nariyan ang mga kapamilya at kaibigan na nagmamahal sa kanya. Kaya nananalig tayo na mananatili siyang biyuda.

Dalangin naming manatili kang payapa at maligaya, Mrs. Fernandez!

NOEL FERRER:

Maganda ang effort ng anak ni Daboy na si Rap Fernandez na i-digitize ang mga pelikula ng ama at gawing accessible ito sa bagong henerasyon.

Sana nga ay may pelikula si Daboy na ma-remake para sa mga kabataan ngayon.

If there’s anything we miss about Rudy, ito ang kanyang pamumuno sa Actors’ Guild na nangangailangan ng isang dedicated leader na tulad niya sa panahong ito!

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Lorna Tolentino on the late Rudy Fernandez being her greatest love: "Wala nang papantay doon, e. Parang Crash Landing on You kami, e. Wala rin, e."
PHOTO/S: Gorgy Rula
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results