Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now

Ogie Alcasid, dinepensahan si Regine Velasquez sa "mag-sex nang mag-sex" advice nito sa AshMatt

by PEP Troika
Mar 4, 2020
Ogie Alcasid, may mensahe para sa mga na-offend sa marital advice ng asawang si Regine Velasquez para sa newlywed couple na sina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli: "I’m sure hindi naman niya intensyon mambastos."
PHOTO/S: @ogiealcasid / @vivaartistsagency / @reginevalcasid Instagram

GORGY RULA

Marami pa rin ang curious at nag-aabang kung matutuloy ba ang wedding reception nina Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo na itinatago pa rin sa lahat.

Di ba, ang sabi nga ninyo, Sir Noel, na may non-disclosure agreement (NDA) sa suppliers para hindi malaman kung kailan at saan gaganapin ang selebrasyon?

Pero sabi ni Ogie Alcasid, wala siyang kaalam-alam tungkol dito.

Tinanong ko kasi kung imbitado ba sila ni Regine Velasquez, misis ni Ogie, kahit hindi niya sabihin sa amin kung kailan ito at saan.

"Hindi namin alam iyan. Hindi rin nga namin alam na ikinasal sila. I’m not privy about that," mabilis na sagot ni Ogie.

Nakapanayam ng PEP Troika si Ogie nitong Marso 3, Martes, sa mediacon ng Kilabotitos, ang upcoming concert nila ni Ian Veneracion.

Ipinagtanggol na rin ni Ogie si Regine sa ilan na hindi nagustuhan ang pabirong payo nito kina Sarah at Matteo na "mag-sex" na lang daw nang "mag-sex."

Continue reading below ↓

Inihayag iyon ni Regine sa presscon na dinaluhan ng PEP.ph noong January 24.

Nasa-shock ang ibang hindi nakakilala kay Regine sa sinabi niyang iyon, pero alam nating pabiro lamang iyon.

Paglilinaw ni Ogie, walang intensiyong mambastos ang asawa niya.

"My wife has a very strange sense of humor. She goes overboard, and that’s how she is.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

"She doesn’t mean anything disrespectful about things.

"If she has offended some, I’m sure in her heart she’s very apologetic. But that’s not projected to offend anyone.

"It’s to… you know, make light of things. Because after all, when you’re married, you do married things, correct?

"So, it’s not something that’s binababoy or binabastos."

Malinaw raw sa pahayag ni Regine na ang payo niya kina Sarah at Matto ay may konteksto ng kasal.

"She’s stressing a fact that when you get married, you do things that married couples do.

"I’m sure hindi naman niya intensiyon mambastos," giit ni Ogie.

Continue reading below ↓

Samantala, balak pala sana ni Ogie na mag-produce ng concert nila ni Regine bilang bahagi ng 10th wedding anniversary nila sa December 22, 2020.

Pero tumanggi ang asawa niya dahil napapagod daw ito.

Gusto pa rin kasing ituluy-tuloy ni Ogie ang production company niyang A-Team, na nagpro-produce ng concerts na tingin niya ay maganda.

Kagaya nitong Kilabotitos kunsaan kakaiba raw ang tandem nila ni Ian Veneracion.

Mapapanood ang Kilabotitos concert sa Marso 20 at 21 sa New Frontier Theater, Araneta City, Quezon City.

JERRY OLEA

Naaliw ako sa payo ni Regine kina Sarah at Matteo. Hindi iyon big deal sa akin.

Pahiwatig iyon kumbaga para mabuntis na ang bagong kasal.

Kapwa yayamanin sina Matteo at Sarah.

At magkaroon man sila ng sandosesang supling sa kasi-sex ay kaya nilang buhayin at palakihin nang maayos ang mga ito.

Tanggap nga ng televiewers ang love affair nina Vice Ganda at Ion Perez kahit hindi sila kasal, e.

Continue reading below ↓

Kaya hindi isyu sa atin ang biro ni Regine na magniig sa tuwi-tuwina ang bagong-kasal na AshMatt!

NOEL FERRER:

Masipag mag-promote sina Ogie at Ian sa kanilang Kilabotitos na concert.

Mukhang ito na ang puwedeng hudyat ng paglipat din ni Ian Veneracion ng management sa A Team ng grupo ni Ogie.

At least, they can have more collabs now that they are in the same team.

As always, we support Ogie’s efforts, at yung participation nila sa wedding nina Sarah at Matteo, basta, a-appear na lang sina Ogie at Regine kung saan at kailan sila kailangan.

Subok na ang pagkakaibigan ng mag-asawang iyan!

Napatunayan na iyan ng panahon noong kina Juday at Ryan pa!

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ogie Alcasid, may mensahe para sa mga na-offend sa marital advice ng asawang si Regine Velasquez para sa newlywed couple na sina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli: "I’m sure hindi naman niya intensyon mambastos."
PHOTO/S: @ogiealcasid / @vivaartistsagency / @reginevalcasid Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results