Launching movie ni Super Tekla, tinalo ang FPJ movie sa ratings

by PEP Troika
Mar 4, 2020
Launching movie ni Super Tekla na Kiko En Lala, wagi sa ratings nang ipalabas sa free TV kontra sa FPJ movie na Bontoc (1977).

JERRY OLEA

Kahit noong Disyembre 2004 pa pumanaw si Fernando Poe Jr. at makailang ulit nang ipinalabas sa TV ang kanyang mga pelikula, patuloy na namamayagpag kung Linggo ng hapon ang movies niya sa Ang Hari FPJ on ABS-CBN.

Pero nitong Marso 1, Linggo, taob ang 1977 action drama ni FPJ na Bontoc.

Ayon sa National TV Ratings (Urban + Rural) ng Kantar Media, naka-10.1% ang Bontoc, kontra sa 11.2% ng katapat nitong Kiko en Lala sa GMA Blockbusters.

Ang Kiko en Lala ay launching film ni Super Tekla, na ipinalabas noong Setyembre 25, 2019, kasabay ang sleeper hit na #Jowable (na launching film ni Kim Molina, at streaming sa Netflix umpisa noong Pebrero 14, 2020).

Semplang sa mga sinehan ang Kiko en Lala, pero wagi sa free TV.

Bumalik sa pagiging No. 1 kung Sunday ang Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS).

Naka-25.5% ang The Voice Teens, at naka-11.7% ang Gandang Gabi Vice, kontra sa 28.5% ng KMJS.

Continue reading below ↓

Naka-27.1% ang 24/7 ni Julia Montes, kontra sa 18.5% ng Daig Kayo Ng Lola Ko.

Naka-17.8% ang Rated K, kontra sa 15.5% ng Amazing Earth. Naka-18.8% ang Centerstage.

Naka-11.7% ang ASAP Natin ‘To, kumpara sa 9.8% ng All Out Sundays.

Naka-11.3% ang Banana Sundae, kumpara sa 9.2% ng Dear Uge.

Naka-3.7% lamang ang Ang Pagbabalik ng Ibong Adarna sa Sunday’s Best, kumpara sa 9.5% ng The Boobay and Tekla Show.

GORGY RULA

Ayon sa AGB-NUTAM, nitong Linggo, Marso 1, nanatiling panalo ang All Out Sundays na may 5.6%, at 4.7% lang ang ASAP Natin ‘To kahit meron silang special segment para kay Sarah Geronimo-Guidicelli.

Kaya natuloy na rin sa Dear Uge, na may 4.7%, laban sa Banana Sundae na 4.4%.

Ngayon lang nga natalo ang FPJ on ABS-CBN, na naka-4.7%, at 5.6% ang pelikulang Kiko en Lala ng GMA Blockbusters.

Pagsapit ng prime time ay super-taas ang Kapuso Mo Jessica Soho na naka-18.2%, kahit ang The Voice Teens ang nakalaban nito na 12.1%, at ang The Best of Gandang Gabi Vice na 5.4%.

Continue reading below ↓

Inilampaso naman ng The Boobay and Tekla Show, na may 6.8%, ang Sunday’s Best: Ibong Adarna na naka-1.6% lamang.

Mukhang tama ang nasagap naming kuwentong hindi pa ganoon kahanda ang Everybody Sing kaya ini-extend pa rin ang Gandang Gabi Vice.

Tingnan natin sa darating na Linggo, March 8, kung dito na isasalang ang guesting ni Raffy Tulfo sa GGV.

NOEL FERRER

Hanggang kailan ba ang GGV?

Hindi pa naipapalabas ang episode niya with Raffy Tulfo.

Ipina-plug na nang panay-panay ang bagong programa ni Vice Ganda na Everybody Sing. Kailan na nga ba ito eere?

Gaano kaya ito makakaapekto sa weekend ratings?

Aabangan natin iyan!

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Launching movie ni Super Tekla na Kiko En Lala, wagi sa ratings nang ipalabas sa free TV kontra sa FPJ movie na Bontoc (1977).
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results