Makamandag na hunk actor, inawrahan ang kura paroko sa isang film location

by PEP Troika
Mar 5, 2020
Hunk actor na naugnay sa isang businessman at isang aktres, kura paroko naman ang sunod na pinuntirya?
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan

NOEL FERRER

Makamandag pala talaga ang hunk actor na dating kontesero sa mga bikini contest.

Matapos ma-link sa isang may-asawang businessman at sa isang aktres, may kuwento pa pala tungkol sa kanya sa isang shoot ng pelikula na malayu-layo ang location.

Maraming beki sa production ang umaali-aligid sa kanya roon, pero ang nagwagi ay isang miyembro ng community sa location mismo.

Ganito ang istorya... Sa dilim ng gabi sa kanayunan, pack up na ang shooting.

Patulog na ang mga tao. Pero ang hunk actor ay gising pa, dala ang kanyang gitara.

Nagtataka ang mga nakaabang na bading sa produksiyon kung sino ang inaawrahan ni hunk aktor, hanggang sa lumabas ang kanyang ka-date ng disoras ng dilim.

Ang kura paroko ng lugar!

Kaya sa mga sumunod na mga araw ng shooting, ayun, na-bless ang pag-arte ng hunk actor dahil present na si Father!

JERRY OLEA

Hindi umepek ang pagpapa-cute ng hunk actor sa co-star na gandarang aktres kaya ibinaling niya sa iba ang kanyang atensiyon.

Continue reading below ↓

Naalala ko tuloy ang isang premyadong aktor na malapit nang maging ginintuan ang edad.

Sagana siya sa karanasan noong kanyang kabataan, bago pa man siya magsimula sa showbiz.

Mapagbigay siya sa mga bading at naging dyowa ng isang direktor na nagregalo sa kanya ng kotse.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

May matronang hinayaan niyang matikman ang kanyang kasariwaan. Meron ding baklang pari na kanyang naging suki.

GORGY RULA

Sabi ng isang taong malapit sa hunk actor, noon pa man ay ganyan na siya. Hayaan na natin siya, buhay na niya iyan.

Pero parang napaka-cinematic naman ng kuwentong iyan. Mababait kasi ang mga tao sa lugar na iyan.

Baka pinagaan lang ni Father ang pusong sawi ni hunk actor?

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Hunk actor na naugnay sa isang businessman at isang aktres, kura paroko naman ang sunod na pinuntirya?
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results