Jinggoy Estrada, nahiya sa co-stars sa comeback film; Coco Martin, tinatapos pa ang Summer MMFF entry

by PEP Troika
Mar 5, 2020
Dating Senador Jinggoy Estrada (left photo, in pin-striped shirt), ginalingan daw ang pag-arte para makasabayan ang co-star na si Sylvia Sanchez (left photo, in floral blouse) sa Coming Home. (Kanan) Coco Martin at Angelica Panganiban, tila nagsyu-shoot pa ng Love or Money.
PHOTO/S: @alvtalents / @iamangelicap Instagram

JERRY OLEA

Heavy drama ang pelikulang Coming Home, isa sa walong opisyal na kalahok sa 1st Summer Metro Manila Film Festival (MMFF), mula Abril 11 hanggang Abril 20.

Tampok dito sina Jinggoy Estrada, Sylvia Sanchez, Martin del Rosario, Ara Arida, Edgar Allan Guzman, Shaira Diaz, Vin Abrenica, at Samantha Lopez.

Ang direktor ay si Adolf Alix Jr..

Paspasan ang shooting nila. Mabuti at umabot sila sa deadline.

"Sa awa po ng Diyos, na-magic. Umabot," napangiting sambit ni Direk Adolf noong Marso 2, Lunes ng hapon, sa Novotel Hotel, Araneta City, Quezon City.

Anu-anong highlights ang aabangan sa pelikula?

"Noong napanood ko ang movie bago namin i-submit, tingin ko, marami silang aabangan,” paghalukipkip ni Direk Adolf.

"Pag pinagsama-sama mo iyong ensemble, iba rin pala.

"Pag nakita mo na silang magkakasama onscreen, like si Sir Jinggoy, maganda ang performance niya.

"Kasi nga, simple lang pero pasok sa character.

"Kasi, na-miss din daw niya ang pag-arte. So, nahiya siya, ginalingan niya.

Continue reading below ↓

"Kasi, ang mga kaeksena niya, si Miss Sylvia, si EA, si Martin."

Wala raw naging problema si Direk Adolf sa schedule ng mga artista.

"Actually, maganda po iyong timing.

"Kasi, iyong lahat po ng artista, after naming nag-meeting at nag-storycon, lahat po sila, na-excite," matamang lahad ni Direk Adolf.

"So, inayos po talaga lahat iyong schedule para matapos kami. So, halos araw-araw po kaming nag-shoot para umabot."

Mauuna pang ipalabas itong Coming Home kaysa sa My Stepmother’s Lover, na tinatampukan nina Sunshine Cruz, Kiko Estrada, at Martin del Rosario.

"Tapos na kaming mag-shoot ng My Stepmother’s Lover. Nasa editing na," kuwento ni Direk Adolf.

"Tinigil lang muna ang editing dahil nag-focus muna kami sa Coming Home.

"Pero ipapalabas na ang My Stepmother’s Lover this year. Kung hindi May, sa June na."

May commercial release pa ba ang isa niyang pelikula na Misterio de la Noche, kung saan bida sina Solenn Heussaff at Benjamin Alves?

Continue reading below ↓

"Ngayon po, nakikipag-negotiate sina RS Francisco," tukoy ng direktor sa producer ng pelikula.

"Pero malamang, this year ang commercial release.

"Baka po may isa uli siyang special screening sa isa uling festival."

Nag-Philippine premiere ang Misterio de la Noche sa 15th Cinemalaya filmfest noong Agosto 4 sa CCP Little Theater.


Continue reading below ↓

GORGY RULA

Nakausap namin ang dating Senator Jinggoy Estrada noong nakaraang buwan, at sinabi niyang dire-deretso ang shooting nila para umabot sila sa deadline.

Iyong biro ni Direk Adolf na minadyik nila, parang natatakot ako riyan, at baka matulala lang tayo sa magic na ginawa niya sa pelikulang iyan.

Pero proud si Senator Jinggoy sa ginawa niya sa pelikulang ito.

At mabuti raw na si Sylvia Sanchez ang co-star niya dahil matagal na silang magkaibigan kaya kumportable ang senador sa aktres.

Kuwento pa ni Jinggoy, madalas daw ay siya pa ang pinaglalaruan ni Ibyang.

Pero teka, totoo bang hanggang ngayon ay nagsu-shooting pa rin ang Love or Money nina Coco Martin at Angelica Panganiban?

Ano kaya ang pinanood ng Selection Committee? Ang laki ng artista kaya ang ginawa nilang basehan at hindi na ang kabuuan ng pelikula?

Kasi, narinig ko pang nagdu-double taping daw ngayon ang FPJ’s Ang Probinsyano, dahil mawawala raw sandali si Coco para makapag-shoot sa Dubai.

Continue reading below ↓

Kung hindi ako nagkakamali, para pa rin sa Love or Money ang sinu-shoot niya.

Ano po ang paliwanag dito ng MMFF, Sir Noel?

NOEL FERRER

Sa pelikulang Coming Home, the proof of the pudding is in the eating.

Sana, pasok ito sa panlasa ng mga manonood kapag naipalabas na sa 1st Summer MMFF.

About Love or Money, aware ang MMFF Selection Committee kung ano ang kulang pa sa pelikula, at ito malamang ang tinatapos ng produksiyon ngayon.

For the record, hindi lang ang Love Or Money ang may degree ng hindi pagkatapos sa mga napiling kalahok sa 1st Summer MMFF.

Karamihan ng ibang entries ay ganoon din—may mga kulang sa special effects, aayusin pang sound design, at ipa-finalize pang music.

Varying levels ng kakulangan ang kinonsider ng Selection Committee bago sila nakapagpasya ng final eight official entries.

Well, marami ang nagsabing maganda ang roster ng mga kalahok sa unang Summer MMFF.

Continue reading below ↓

Dahil if we go by the decision, "mas pinili ng Selection Committee ang magandang kulang at pupunan pa, kaysa iyung tapos na pelikula pero salat from the very start."

At least, hindi natin sinabing chaka, ha?!

Hindi naman sasabihin iyon ng chairman ng Selection Committee na isang National Artist.

Hehehe! Yun lang!

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dating Senador Jinggoy Estrada (left photo, in pin-striped shirt), ginalingan daw ang pag-arte para makasabayan ang co-star na si Sylvia Sanchez (left photo, in floral blouse) sa Coming Home. (Kanan) Coco Martin at Angelica Panganiban, tila nagsyu-shoot pa ng Love or Money.
PHOTO/S: @alvtalents / @iamangelicap Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results