JERRY OLEA
Magwawakas na ang late-night comedy talk show na Gandang Gabi, Vice ngayong Linggo, Marso 8, pagkatapos ng The Voice Teens sa Kapamilya Network.
Halos siyam na taon ito sa ere. Nag-umpisa ito noong Mayo 22, 2011. Pasabog ang finale ng GGV.
Panauhin ni Vice Ganda si Raffy Tulfo. Na-tweet ng GGV two days ago ang paanyaya ni Raffy, “OK, sa lahat ng mga netizens, sa lahat ng mga subscribers, manood kayo sa Sunday sa GGV. Ang hindi manonood, matu-Tulfo. Promise. Kaya manood na. OK? See you!”
Na-tweet na rin ng GGV kahapon, Marso 6, ang teaser sa pagsisimula ng Everybody Sing sa Marso 18, Linggo ng gabi. Ito ang kapalit na programa. Siyempre, si Vice pa rin ang host nito.
Ani Vice, “Nine years na tayong magkakasama sa tawanan at saya kaya ituluy-tuloy natin ang masayang pagsasama natin dito sa first community singing game show for everybody ng ABS-CBN.
“Kaya everybody, play! Everybody, win! Up to 2 million pesos! “Dito sa Everybody, Sing!”
NOEL FERRER
Panibagong hamon ito kay Vice!
Ang mahalaga ay maligaya siya! Kaya anuman ang dumaan sa kanya ngayon, hindi siya basta natitinag. Mahalaga iyon, e!
GORGY RULA
Kaya kayang pataubin ng guesting ni Raffy Tulfo sa GGV ang show ni Jessica Soho?
Malakas din kasi ang blind auditions na episode ng The Voice Teens at sinusundan agad ng GGV.
Kaya itong dalawang programang ito ang tumatapat sa Kapuso Mo, Jessica Soho.
Pero matitindi rin ang mga kuwentong inilalahad sa KMJS, na kaya nilang i-hang ang televiewers para hindi lumipat at talagang tututukan nila ang susunod na ipapalabas.
Pagtapos pa nito, minsan ay nag-o-overlap ang The Boobay and Tekla Show na nakakaaliw rin ang episode nila bukas.
May pa-search sila ng KPop Cutie 2020, kung saan limang poging KPop wannabe ang maglalaban-laban sa titulong iyun.
Ewan kung seryoso iyong sinasabi nilang premyo na unlimited Samgyeopsal daw at trip to Jeju Island sa South Korea.