ABS-CBN shows, hindi muna magpapapasok ng studio audience

by PEP Troika
Mar 10, 2020
Kabilang sa mga programang apektado sa pagsusupinde ng pagpapapasok ng studio audience ay ang mga sumusunod: It’s Showtime, ASAP Natin ‘To, Magandang Buhay, Banana Sundae, at I Can See Your Voice.
PHOTO/S: Courtesy: ABS-CBN News Online

GORGY RULA

Pagkatapos pangunahan ng Eat Bulaga! nitong Marso 9, Lunes, ang pansamantalang pagpapatigil ng pagpapapasok ng live audience sa kanilang studio, naglabas na rin ng announcement ang ABS-CBN na wala muna silang tatanggaping studio audience sa live shows ng kanilang mga programa.

Narito ang kabuuang pahayag na inilabas ng ABS-CBN nitong Marso 10, Martes:

“ABS-CBN has decided to temporarily stop admitting studio audience to its shows starting today (10 March 2020), following the government’s declaration of a state of public health emergency.

“The affected TV programs include It’s Showtime, ASAP Natin ‘To, Magandang Buhay, Banana Sundae, and I Can See Your Voice.

“The safety and well-being of our studio audience, artists, crew, and production teams are of utmost importance to us and we are taking this option for their protection.

“We feel that it is our shared responsibility to help in preventing the spread of the COVID-19.

“Thank you Kapamilya for the support, understanding, and patronage of our shows.”

Continue reading below ↓

Napag-alaman naming wala na rin munang live audience sa iba pang shows ng GMA-7 kagaya ng All-Out Sundays, Centerstage, at The Boobay and Tekla Show.

JERRY OLEA

“Better safe than sorry.”

Hindi kami magsasawang ipaalala iyan, kalakip ang pagsasabi ng “Ingat!”

Continue reading below ↓
Recommended Videos

As of March 9, Monday, umabot na sa twenty-four (24) ang kumpirmadong kaso ng coronavirus sa bansa.

Suspendido na ang mga event ng NCAA at UAAP.

May mga class reunion at alumni homecoming na ipinagpaliban.

E, ang kasal nina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati sa Marso 14, Sabado, sa BGC?

“Wedding yun, alangan namang i-cancel.

"Siyempre, may precautionary measures ang wedding planner/organizer at ang venue mismo para masiguro ang kaligtasan ng mga a-attend,” sabi ng insider na inusisa namin via Messenger nitong Martes.

NOEL FERRER

Ibayong ingat ang kailangan.

Galing akong grocery at ang dami ng tao at ang haba ng pila ngayon.

Traffic pa rin sa QC Memorial Circle.

Continue reading below ↓

Sana nga, ma-contain ang mga tao para maging safe. But at the same time, productive pa rin.

Ang hangad din natin ay may inspirational leadership na bukod sa pagsasabi ng mga dapat nating gawin, e, yung mag-i-inspire at magpapakalma sa atin sa ganitong challenging na panahon.

Get the latest stories on COVID-19.
All you need to know from your trusted Summit Media network. Sign up here for regular updates delivered to your mailbox.
The email address you entered is invalid.
Thank you for signing up. We'll send updates directly to your inbox!
Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kabilang sa mga programang apektado sa pagsusupinde ng pagpapapasok ng studio audience ay ang mga sumusunod: It’s Showtime, ASAP Natin ‘To, Magandang Buhay, Banana Sundae, at I Can See Your Voice.
PHOTO/S: Courtesy: ABS-CBN News Online
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results