Franki Russell, dinagsa ng batikos dahil sa relasyon nila ni Marlon Stockinger

by PEP Troika
Mar 10, 2020
Franki Russell at Marlon Stockinger, nakakatanggap ng batikos dahil sa namumuong relasyon nila.
PHOTO/S: Instagram

GORGY RULA

Pagkatapos magpa-interview ni Franki Russell sa Tonight with Boy Abunda at sinagot kung ano ang namamagitan sa kanila ni Marlon Stockinger, lalo silang dinagsa ng bashers.

Duda ng ilang taong malapit sa dalawa, fans ni Pia Wurztbach ang bumabatikos sa kanila.

Si Pia ay ang immediate ex-girlfriend ni Marlon.

Katakut-takot na bashing ang inabot ni Franki.

Sabi ng ilang bashers, mula sa Miss Universe ay napunta raw si Marlon sa cover girl ng isang sexy magazine.

Naging cover girl kasi noon si Franki ng Maxim magazine sa Australia, at ang baba ng tingin ng ilan sa mga babaeng nagpo-pose sa naturang magazine.

Pati si Marlon ay nakakatikim din ng bashing mula sa ilang supporters ng dating tandem nina Franki at Dianna Mackey, na nagkasama noon sa Pinoy Big Brother house.

Kinausap daw ni Marlon ang management group ni Frankie na huwag na lang pansinin ang bashers.

Napag-alamang ang isa sa mga manager na nagha-handle ng career ni Franki, si Ms. Chinie Go ng Prima Stella Management, ay pinsang buo ni Marlon dahil magkapatid ang kanilang mga ina.

Continue reading below ↓

Kaya kilala nila si Marlon, at ina-allow makipag-date si Frankie sa kilalang car racer.

Hanggang dating pa lang daw ang dalawa, at hindi nila pinapakialaman kung kanino ma-in love si Franki.

JERRY OLEA

Mas makikilala ng madla si Franki dahil kay Marlon.

May likas na talento sa kanyang sport si Marlon, at respetado ito sa ilang international racing circles.

Yummylicious pogilicious pa si Marlon, gaya ni Daniel Matsunaga.

Parehong makulay ang buhay pag-ibig ng dalawang lalaki.

Pakiwari ko ay hindi pa mauubos ang mga gandarang babae na mabibighani o mahuhumaling sa kanilang kakisigan.

NOEL FERRER

Si Franki ba ay artista o celeb?

Sana makilala muna siya sa kahusayan niya at kung ano ang madadala niya sa showbiz kaysa sa pakikipagrelasyon kaagad, di ba? Sana.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Franki Russell at Marlon Stockinger, nakakatanggap ng batikos dahil sa namumuong relasyon nila.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results