Actress-TV host, napagkamalang transgender ng Angkas driver

by PEP Troika
Mar 11, 2020
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan

JERRY OLEA

Nagluka-lukahan dati ang isang actress-TV host sa kanyang trabaho, at pinagbayaran niya iyon.

Natutunan niya ang leksiyon, kaya pinahahalagahan niya ang bawat commitment.

Pinangangalagaan niya ang kanyang reputasyon, maging ang kanyang palabra de honor.

Kamakailan ay may hosting job siya ng isang event sa BGC, Taguig City.

Kung tutuusin ay konting kembot at kandirit lang iyon mula sa Makati City, kaso nagbabadya ang Carmageddon.

Pakiwari ng actress-TV host ay male-late siya sa event kung nakakotse siya.

Kaya nagpasya siyang iwan ang kanyang kotse sa isang parking area, at sa unang pagkakataon ay nag-book siya ng Angkas.

Nakahinga nang maluwag ang actress-TV host dahil agad-agad siyang nakapag-book.

Aba! In fairness, matipuno at kisig-Pinoy ang Angkas driver, mukhang mabango.

At swabeng magmaneho!

Maluwalhati siyang naihatid sa venue.

Bago umalis ang Angkas driver, magalang itong nagtanong sa actress-TV host: "Ma’am, transgender po kayo?"

Hindi na nagawang magalit ng actress-TV host dahil nagmamadali na siyang makapasok sa venue.

Continue reading below ↓

Patay-malisya na lamang siya.

GORGY RULA

Bandang Mandaluyong at ilang bahagi ng Makati ay sinisita kasi kapag parehong lalaki ang nakasakay sa motor.

Baka nga naman riding-in-tandem.

Kahit sa Angkas ay maaari silang masita sa ganoong lugar kapag napansing parehong lalaki ang riders.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Kahit bading man ito, basta parehong lalaki.

E, ang kuwento pa kasi, naka-outfit si actress-TV host para sa event na mukhang tranny ang ayos. Kaya siguro napagkamalang bading.

Dinedma na lang niya, kasi hindi lang sa pagkakataong iyon napagkamalan siyang transgender.

Ilang beses na rin daw, lalo na pag nasa ibang bansa siya.

NOEL FERRER

Parang malas sa kalsada o sa daan ang actress-TV host na napagkamalang transgender.

May alam akong insidente involving her din.

May nakasagupa siyang sasakyan sa traffic. Imbes na managot sa nangyari ay tinakbuhan daw ito ng actress-TV host.

It turns out, yung may-ari ng sasakyan ay ang boss ng isang station na lilipatan niya sana.

Continue reading below ↓

Ayun, medyo nabuliliyaso siya roon.

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results