Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Senators Win Gatchalian, Nancy Binay, Bong Revilla boluntaryong nag-self quarantine

by PEP Troika
Mar 12, 2020
Matapos makihalubilo sa isang taong may coronavirus, nagdesisyon ang mga senador na sina (mula kaliwa) Win Gatchalian, Nancy Binay, at Bong Revilla na boluntaryong mag-self quarantine.
PHOTO/S: Facebook

JERRY OLEA

Naghayag ng self-quarantine sina Senador Win Gatchalian at Senador Nancy Binay nitong Marso 11, Miyerkules, matapos malamang nag-positibo sa COVID-19 ang isang resource person sa Senate hearing na dinaluhan nila noong Marso 5.

Nitong Marso 12, Huwebes ng tanghali, nag-post si Senador Bong Revilla sa Facebook na magbo-voluntary quarantine din siya.

Paliwanag ni Senador Bong, “Sen. Gatchalian is my seatmate in the Senate.

"Maliban sa session noong Monday, magkasama rin kami sa aking opisina kahapon, pati na sina Sen. Sonny Angara at Mayor Sara Duterte—na pare-pareho na ring nag-self quarantine.

“Bilang pag-iingat, kahit na wala akong anumang sintomas, nagdesisyon po akong mag-voluntary quarantine umpisa kagabi.

“We don't want to expose others to potential risk.

“Sa panahong ito, mahalaga na maging self-aware hindi lang para sa sarili kundi para rin sa kapwa.

“Maging malinis tayo sa ating mga sarili at paligid. As long as we don't get overcome by panic, we will calmly beat this trial together.”

Continue reading below ↓

So, hindi muna magte-taping si Senator Bong ng forthcoming Kapuso show niyang Agimat ng Agila?!

GORGY RULA

Sa Linggo, March 14, ay may taping dapat ang Agimat ng Aguila, pero wala pa akong nakukuhang sagot mula sa production staff kung kailan sila magre-resume ng taping.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Dumating na si Snooky Serna noong Marso 9, Lunes, mula Portugal kung saan dumalo siya sa 40th Fantasporto International Film Festival.

Bago siya mag-Portugal, dumaan muna siya ng Paris, France. Kaya isinabmit na rin niya ang sarili sa voluntary quarantine.

Dalawang linggo siyang tengga, at hindi muna siya puwedeng mag-taping sa Anak ni Waray vs. Anak ni Biday.

Sa totoo lang, hindi ko maisip ang pressure at hirap na pinagdaanan ngayon ng production staff ng mga drama series.

Bukod sa pagtiyak na safe ang kalusugan ng lahat na mga taong involved sa taping, kailangan din nilang ipatupad ang 16 working hours, na kailangan isiksik mo roon ang mga dapat kunan para mapaganda lang ang takbo ng kuwento ng isang teleserye.

Continue reading below ↓

NOEL FERRER

Namatayan ng mahal ng Ina si Senator Joel Villanueva, paano kaya ang mga kaklase niyang mga senador na makikiramay kanya?

Pinag-uusapan na ang work-from-home arrangement sa mga opisina at ang online classes naman sa mga eskuwelahan.

Paano kaya si Bianca Manalo, may social distancing din kaya sa mahal niyang Senador Sherwin Gatchalian?

Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Matapos makihalubilo sa isang taong may coronavirus, nagdesisyon ang mga senador na sina (mula kaliwa) Win Gatchalian, Nancy Binay, at Bong Revilla na boluntaryong mag-self quarantine.
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results