NOEL FERRER
Ka-text ko ang mayor ng Taguig na si Lino Cayetano nitong Marso 12, Huwebes.
Ipinaalam ko sa kanya na in light of the latest government assessment and plan of action, ipo-postpone muna namin ang homecoming concert ng premyadong singer-songwriter Odette Quesada from March 27, 28, and 29 to the early second half of this year.
"Full support kami sa program ninyo sa BGC Arts Center," sabi ni Mayor Lino.
Nagpasalamat siyang nakikiisa tayo sa hakbang ng LGU na umiwas muna sa mga malalaking pagtitipon.
Heto ang opisyal na pahayag ng grupo naming namamahala ng concert ni Odette, na sa awa ng Diyos ay kinalugdan at sinusuportahan ng mga kapwa artists sa music industry at ng audiences:
“We were all set to do the much-awaited repeat of Odette Quesada’s Homecoming series but we want to be prudent and considerate with what the world is experiencing now as well as the health emergency that our country is facing.
“So, based on the recent government assessment, we are postponing this successful Throwback Event to the early part of the second half of this year.
“What is important is that we are all healthy, safe and well especially our artists and our audiences.
“We are coordinating with Ticketworld regarding the handling of the old and the new tickets, we shall wait for Miss Odette Quesada to make her announcement especially on the new dates anytime soon!”
Iyan na ang desisyon sa concert ni Madame Odette.
Kumusta naman kaya ang Rama Hari sa government arm na CCP?
At si Alanis Morissette kaya, tuloy pa ba?
JERRY OLEA
Postponed ang kasal nina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati na gaganapin sana sa Marso 14, Sabado, sa BGC.
Kabilang sa singers na nagpaliban ng concert sina Gary Valenciano, Ogie Alcasid & Ian Veneracion, Marco Sison, Aegis, at BuDaKhel (Bugoy Drilon, Daryl Ong at Michael Pangilinan).
Postponed din ang Sinag Maynila 2020 filmfest na gaganapin sana sa Marso 17-24.
Nanganganib na rin ba ang 1st Summer Metro Manila Film Festival?
Ang Parada ng mga Bituin ay nakatakda sa Abril 4, Sabado.
Ang filmfest ay mula Black Saturday, Abril 11, at tatagal hanggang Abril 21.
GORGY RULA
Inaasahan na ang pag-postpone ng concert ni Odette.
Ang hintayin na lang natin, kung ano ang mapagkasunduan sa meeting ng executive committee ng 1st Summer MMFF at ng producers ng walong pelikulang kalahok dito.