Actress-TV host, bakit tinaguriang "Alcoholic Girl"?

by PEP Troika
Mar 13, 2020
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan

JERRY OLEA

Alcoholic Girl (AG) ang taguri sa isang thirtysomething actress-TV host.

Hindi po lasengga si AG, kundi mahilig mag-rubbing alcohol at mag-alcogel bago pa man nagkaroon ng coronavirus.

Basta nakipag-shake hand si AG sa stranger/s, asahan mong mag-a-alcohol na iyan sa mga kamay.

Super-ingat si AG sa hygiene bago pa man ang banta ng COVID-19.

Naalala pa ng isang Gay Comedian ang eksena ilang taon na ang nakararaan, kung saan nakasunod siya sa nagkukumahog na actress-TV host papasok sa studio ng isang TV network.

Nang nasa harapan na ng pintuan ang nagmamadaling si AG, bigla siyang tumigil.

Siyempre, stop, look, and listen din ang nagtatakang Gay Comedian.

Naubusan ng bakit ang baklang komedyante sa ginawi ni Alcoholic Girl.

Bakit tumigil nang walang sabi?

Bakit di siya umusad pa nang konti?

Bakit di mabuksan ang pintuan?

Nasagot naman agad ang mga bakit na nagsabunutan sa isip ni Gay Comedian, dahil humahangos ang alalay ni Alcoholic Girl at ito ang pumihit sa doorknob.

Continue reading below ↓

NOEL FERRER

At least, ahead of her time ang Alcoholic Girl.

Ewan ko, pero at least, unique at witty siya talaga!

No wonder, isa siya sa top influencers ng kanyang henerasyon!

Sana magamit pa niya ang kanyang social media power nang mas relevant pang gawain lalo na sa mga panahong ito.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

GORGY RULA

Nakakatawa naman iyang Alcoholic Girl na tawag sa kanya, pero hindi naman lasengga.

Magkaanu-ano kaya sila ni Amnesia Girl?

May kuwento kasi dati ang kapatid ni Alcoholic Girl.

Ang isang nakakalokang ugali ng actress-TV host, kapag nasa bahay nila ay wala itong tiyagang kumuha ng baso para doon isalin ang tubig na gustong inumin. Basta na lang daw iinom iyan sa pitsel.

Pero masyadong maselan iyan, ha?

Get the latest stories on COVID-19.
All you need to know from your trusted Summit Media network. Sign up here for regular updates delivered to your mailbox.
The email address you entered is invalid.
Thank you for signing up. We'll send updates directly to your inbox!
Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results